Jennylyn Mercado

MUKHANG naayos na nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ang anumang problema nila sa isa’t isa. Binanggit kasi ni Jen na nagkakausap na sila ng aktor. Pero ayaw namang idetalye ng aktres kung paano at kung saan sila nagkaayos ng ama ng anak niyang si Alex Jazz.

Huwag na lang daw paguusapan, basta okay na sila at wala na silang problema sa isa’t isa. Masaya rin daw siya para kay Patrick na magpapakasal na sa non-showbiz girlfriend nito na nakilala na rin niya at nababaitan siya.

Lahad pa ni Jennylyn, walang problema sa kanya kung ang anak nilang si Alex Jazz ang kukunin ni Patrick bilang ringbearer sa kasal ng aktor. Dahil may karapatan din si Patrick bilang ama ni Alex Jazz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

So, malamang hindi rin maging isyu kay Jennylyn kung sakaling kunin naman siya bilang part ng wedding entourage, huh?

Kung sakali kayang hilingin din nina Luis Manzano at Angel Locsin na maging part siya ng soon to be wedding ceremony ng dalawa, papayag kaya si Jennylyn?