SPORTS
Samantha Gem Limos, susunod sa yapak ni 'Diay'
TAGUM CITY, Davao Del Norte – Pangarap ni Samantha Gem Limos na matularan ang idolong si Lydia de Vega. At sa kanyang unang hakbang para sa katuparan ng minimithing adhikain, pinagwagihan niya ang 100m century dash sa 2016 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy...
IBF title, target ni Petalcorin
Gustong mapalaban ni dating WBA interim light flyweight champion Randy Petalcorin sa kampeonatong pandaigdig kaya nangako siyang patutulugin si MinProba junior flyweight titlist Arnold Garde para mahablot ang bakanteng IBF Pan Pacific title sa Linggo sa Robinson Mall Atrium...
NCAA volleyball sa San Juan Arena
Makasalo ng defending women’s champion College of St.Benilde sa pamuno ang pag-aagawan ng San Sebastian College at San Beda sa kanilang pagtutuos ngayong umaga sa tampok na laro ngayon sa NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena. Ganap na 11:00 ng umaga...
Lady Archers, umusad sa UAAP Finals
Balik sa championship round ng UAAP women’s basketball ang De La Salle matapos gapiin ang University of the East, 72-50, kahapon sa Smart-Araneta Coliseum. Nalimitahan ng depensa ng Lady Archers ang Lady Warriors sa dalawang puntos sa second quarter tungo sa dominanteng...
Baguio swimmer, sumisid ng ginto sa Batang Pinoy
TAGUM CITY, Davao Del Norte — Kinumpleto ni Maenard Batnag ang kampanya sa nakopong limang gintong medalya at tanghaling “most bemedaled athlete” sa swimming competition ng Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships kahapon sa Davao Del Norte...
Altamirano, nagpaalam sa NU Bulldogs
Nagbitiw bilang head coach ng National University men’s basketball team si dating national player at PBA star Eric Altamirano. Tinapos ni Altamirano ang anim na taong panunungkulan sa NU matapos mabigong gabayan ang Bulldogs sa Final Four sa kasalukuyang season. Ito ang...
NBA: Cavs, Spurs at Rockets, nasalanta
MILWAUKEE (AP) – Ratsada ang Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo sa third period, para pilayan ang Cleveland Cavaliers tungo sa 118-101 panalo nitong Martes (Miyerkules sa Manila). Hataw ang Bucks sa naiskor na 34 puntos sa third quarter, habang nalimitahan ang...
PNP-CSG netters, wagi sa 1st JCO table tennis
Nakopo ng Philippine National Police (PNP) Civil Security Group (CSG) ang kampeonato sa 1st JCO Invitational Table Tennis tournament men’s team event title kamakailan sa Harrison Plaza Table Tennis Center sa Manila. Naungusan ng PNP-CSG ang NRG table tennis team, 3-2, sa...
European Tour, papalo sa Philippine Masters
Isasagawa sa Pilipinas ang kauna-unahang European Tour-sanctioned golf event sa pagpalo ng Philippine Masters sa 2018. Bunsod ito ng nilagdaang kontrata sa pagitan nina Salvador Zamora ng Tranzen Group at kinatawan ng European at Asian tours na matatapos sa 2020. Ang grupo...
Kalakal Girl, hihigitan si Rio medalist Hidilyn Diaz
TAGUM CITY, Davao Del Norte – Nakatuon sa munting pangarap na maiahon sa kahirapan ang mga kapatid at magulang, sinimulan ni Lovely Vidal Inan ng Angono, Rizal na abutin ang adhikain sa unang hakbang na pagsungkit sa gintong medalya sa 12-under girls weightlifting ng 2016...