Naungusan ng De La Salle-Zobel ang Far Eastern University-Diliman, 2-1, nitong Sabado sa pagsisimula ng UAAP Season 79 juniors football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Hindi malilimot ang panalo ng Junior Archers dahil naputol nila ang 23-match winning run ng seven-peat seeking Baby Tamaraws. Ito ang unang kabiguan ng FEU mula noong matalo sa Ateneo, 1-3, sa Game 2 ng Season 75 Finals noong 2013.

Sa iba pang laro, nagtabla ang Ateneo ang University of Santo Tomas sa goalless draw.

Sunod na makalalaban ng Baby Tamaraws ang Tiger Cubs sa Sabado, habang magtutuos ang Blue Eaglets at Junior Archers.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Mapapalaban ang FEU sa Ateneo sa Dec. 17.