BALITA

ABS-CBN, wagi ng apat na Boomerang Awards
NAG-UWI ng apat na parangal ang ABS-CBN, kabilang na ang isang Gold Boomerang para sa passenger safety mobile app network, mula sa 2014 Boomerang Awards.Layunin ng Boomerang Awards, na binubuo ng Internet Mobile and Marketing Association of the Philippines (IMMAP), na...

Pilipinas, nahimasmasan; kinubra ang unang gintong medalya sa BMX cycling event
Tinapos kahapon ni London Olympian Daniel Patrick Caluag ang matinding pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa Day 12 ng kompetisyon matapos na magwagi sa Cycling BMX event sa 17th Asian Games sa Ganghwa Asiad BMX Track sa Incheon, Korea. Itinala ni Caluag ang...

Bagong Interpol complex sa Singapore
SINGAPORE (AFP)— Isang bagong Interpol centre ang bubuksan sa Singapore sa susunod na taon na magpapalakas sa pandaigdigang pagsisikap na labanan ang nagiging tech-savvy nang international criminals, sinabi ng mga opisyal noong Martes.Ang Interpol Global Complex for...

NAKATUTULIRO
Halos lahat ng ahensiya ng gobyerno ay nakisawsaw na sa paglutas sa matinding problema sa trapiko sa Metro Manila at mga kanugnog na lugar. At may pagkakataon na ang ilang tanggapan ay halos magbangayan sa paghahain ng mga estratehiya na inaakala nilang nakapagpapaluwag sa...

15 estudyante, 2 guro nalason sa kakanin
Labinlimang estudyante at dalawang guro sa high school ang nalason sa kinaing cassava cake na niluto bilang bahagi ng kanilang experiment para sa kanilang Science Fair sa Batan, Aklan kahapon.Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at...

Hong Kong chief, dinedma ang mga protesta
HONG KONG (AP) — Dumalo ang palabang lider ng Hong Kong sa isang flag-raising noong Miyerkules upang markahan ang National Day ng China matapos tumangging makipagpulong sa mga nagpoprotesta na nagbantang palalawakin ang mga pro-democracy demonstration kapag hindi...

MRT maintenance provider: Bakit kami ang sinisisi n’yo?
Umalma ang maintenance provider ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa patuloy na paninisi sa kanila kaugnay ng sunud-sunod na aberyang narasan ng mga tren ng MRT.Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services at Committee on Transportation, binigyang diin ni Vic Espiritu,...

Louise Abuel, magbibida sa ‘MMK
TOP-RATER program nitong nakaraang Sabado at Linggo ang unang pagbibida sa Maalaala Mo Kaya ng The Voice Kids 2nd runner-up na si Juan Karlos "JK" Labajo. Ang episode na nagtampok sa life story ni JK noong Sabado ay pumalo ng national TV rating na 30.7% ayon sa resulta ng TV...

4 gintong medalya, nakasalalay sa boxers
Ni REY BANCOD INCHEON, Korea– Nakasalalay ang inaasam na gintong medalya ng Pilipinas sa apat na boksingero na mula sa Mindanao na nakatakdang sumabak ngayon sa finals sa 2014 Asian Games.Makakasagupa ni light flyweight Mark Anthony Barriga, tubong Panabo City, ang...

Malacañang: Pinoy health workers sa bansang may Ebola, sandali lang
Nagdadalawang-isip ang Malacañang kung magpapadala ng mga health worker o manggagawa sa kalusugan sa mga bansang apektado ng Ebola virus disease (EVD).Ito ay kasunod ng mga ulat na tinitingnan ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas bilang isa pang...