NAGPAHAYAG na ang Canadian-French singer-songwriter na si Avril Lavigne tungkol sa kanyang kalusugan noong Martes Disyembre 23. Nilinaw ng Keep Holding On singer sa kanyang Twitter account ang usaping nasa rehab siya.

Nagsimulang kumalat ang naturang usap-usapan nang isapubliko ng isa sa kanyang mga tagahanga ang pakikipag-usap niya sa mga ito. Sinagot ito ng pop star singer, na siya nga ang kausap ng mga tagahanga at iyon ay totoo. “I feel bad because I haven’t been able to say anything to the fans to let them [know] why I’ve been absent,” pahayag ni Lavigne. “I’m having some health issues. So please keep me in your prayers.”

Nanatiling tahimik ang Sk8er Boi performer sa nasa-bing espekulasyon ngunit siya ay sumagot sa kanyang mga tagahanga.

Noong Disyembre 20, ipinakita niya ang mensahe sa kanya ng isang fan mula sa Indonesia na sinabing “get well” at “means so much to me. thank u.” - US Weekly
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM