BALITA

Or. Mindoro: 4 patay sa leptospirosis
Apat na katao ang iniulat na nasawi dahil sa leptospirosis sa Oriental Mindoro, kaya naman pinaigting ng pamunuan ng Department of Health (DoH)-Mimaropa ang kampanya nito laban sa naturang sakit.Ayon kay DoH-Region 4-B Director Eduardo Janairo, ang pagdami ng kaso ng...

Pumuga sa Cavite, naaresto sa Cagayan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Dinakip ng mga pulis ang isang pugante, na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa korte dahil sa pagkakasangkot umano niya sa carjacking, pagbebenta ng ilegal na droga, panghahalay, at pagnanakaw, sa isang entrapment operation sa Barangay Ugac Norte,...

Nangidnap ng baby sa ospital, kinakasama, kinasuhan na
CEBU CITY – Kinasuhan na ng kidnapping at illegal detention ang isang babaeng nagpanggap na nurse para tangayin ang isang bagong silang mula sa isang ospital sa Cebu.Nagsampa na ng mga kaso ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-7 laban kay Melissa Londres,...

P1.2-M shabu, nasamsam sa buy-bust; tulak, tiklo
Nasabat ng pulisya ang tinaguriang level 2 drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Cebu City, nitong Huwebes ng gabi.Ayon sa Cebu Police Provincial Office (CPPO), nadakip ang mga suspek dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes sa Sitio Baho sa Barangay Calamba, Cebu...

Tricycle, nahagip ng SUV; 1 patay
Patay ang isang 12-anyos na estudyante matapos mahagip ng isang sports utility vehicle (SUV) ang sinasakyan niyang tricycle sa CM de los Reyes sa Barangay Poblacion I, Amadeo, Cavite, kamakalawa ng gabi.Kinilala ni PO1 Glenford Dolor Alcaraz ang nasawi na si Mark Brian...

LTO, hihirit sa CoA hinggil sa car plates
Maghahain ng motion for reconsideration ang Land Transportation Office (LTO) upang hilingin na payagan sila ng Commission on Audit (CoA) na mai-release ang naipong tatlong milyong license plates.Sa isang panayam sa telebisyon, tiniyak ni LTO Chief Roberto Cabrera na...

Karagdagang 100 traffic enforcer, kakailanganin sa Parañaque
Dahil sa inaasahang matinding traffic sa Pebrero bunsod ng konstruksiyon ng C-5 Link Expressway, nangangalap ngayon ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ng karagdagang 100 traffic enforcer na magmamando ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa siyudad.Ang mga bagong...

Ex-DoF official, absuwelto sa tax scam
Ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang graft case na inihain laban kay dating Finance Deputy Administrator Uldarico Andutan, Jr. kaugnay ng P5.3-bilyon tax credit scam dahil sa matagal na pagkakaantala ng nasabing kaso sa korte.Sa anim na pahinang resolusyon na...

Bilyon pisong gastos sa kampanya, babawiin sa pondo ng bayan—arsobispo
Sakaling mahalal sa puwesto, nakatitiyak ang isang retiradong arsobispo ng Simbahang Katoliko na sa pondo ng bayan babawiin ng mga kandidato ang bilyon-pisong ginagastos ng mga ito ngayon sa political ads, bago pa man sumapit ang opisyal na panahon ng pangangampanya.Ito ang...

Suporta sa same-sex marriage, lumalakas sa 'Pinas—sekta
Patuloy ang pagdami ng sumusuporta sa same-sex marriage, o pagpapakasal ng may magkatulad na kasarian, sa Pilipinas sa nakalipas na mga panahon.Ito ang paniniwala ni Rev. Crescencio Agbayani, ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, and Transgenders) Christian Church sa Quezon...