BALITA
Vhong Navarro, sinalubong ng yakap, paghagulgol ng mga anak nang makauwi kahapon
Halos ayaw na pakawalan ng mga anak na si Bruno at Ice sa pagkakayakap ang kanilang amang si Vhong Navarro nang makauwi ito sa kanila matapos pansamantalang makalaya nitong Martes. Ito ang impormasyon na ibinahagi ng manager at kolumnistang si Ogie Diaz sa kaniyang vlog...
Lacuna, Servo nag-courtesy visit kay PBBM; lady mayor, hinangaan ang kabaitan ng pangulo
Nag-courtesy visit sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kay Pangulong Bongbong Marcos nitong Miyerkules. Itinuturing na rin umano ni PBBM na isa na siyang constituent ng lungsod ng Maynila. Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo nang magkita sila ni Manila Mayor...
5.3-magnitude, yumanig sa Camarines Norte
Ginulantang ng 5.3-magnitude na pagyanig ang Camarines Norte na tumama rin sa malaking bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila, nitong Miyerkules ng hapon. Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 1:05 ng hapon...
Biyahe ng PNR, sinuspinde dahil sa lindol
Sinuspinde ng Philippine National Railways (PNR) pansamantala, ang lahat ng kanilang mga biyahe nitong Miyerkules ng hapon. Bunsod na rin ito nang pagtama ng magnitude 5.3 na lindol sa Camarines Norte, na naramdaman din sa Metro Manila. “Pansamantalang suspendido ang lahat...
Vergeire: Pasko ngayong taon, magiging 'totally different'
Kumpiyansa si Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na magiging 'totally different' ang Pasko sa bansa ngayong taon. Bunsod na rin aniya ito ng mas mataas na vaccination rate sa Covid-19 ng mga Pinoy at mas handang mga pagamutan. Ang...
Co-owner ng tour company sa El Nido, ipinagtanggol si Deanna Wong: 'Hindi siya snobbish!'
Sa kabila ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya at sa kaniyang team, ipinagtanggol si Choco Mucho Flying Titans star player Deanna Wong ng co-owner ng tour and expeditions company na nag-asikaso sa kanila ni Ivy Lacsina at iba pang mga kasama, habang sila ay nagbabakasyon sa...
Utang ng Pilipinas, lumobo na sa ₱13.64T
Lumobo na sa₱13.64 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang nitong Oktubre, ayon sa pahayag ng Bureau of Treasury (BTr) nitong Miyerkules. Sa pahayag ng BTr, mas mataas ito kumpara sa naitalang₱13.51 trilyon nitong Setyembre na resulta ng patuloy na pag-utang ng...
16-anyos lang na ‘akyat bahay,’ tumangay ng gadgets, cash, relo sa Gen. Trias, Cavite
GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Isang menor de edad ang nakuwelyuhan sa kasong “akyat bahay” o pagnanakaw sa Barangay Pinagtipunan noong Martes, Disyembre 6. Kinilala ng General Trias City Police Station ang child in conflict with the law (CICL) na si alyas Cris, 16. Sa...
Mismong hepe ng PDEA, 3 iba pa, timbog matapos mahulihan ng P9.18-M halaga ng shabu
Arestado ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District Office kasama ang dalawa pang anti-narcotics agents at isang driver matapos makuhanan ng P9.18 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Taguig City. Batay sa ulat na natanggap...
Darryl Yap, nagtanong sa netizens; sinong artistang bagay gumanap na Digong, Miriam, Leni, at VP Sara
Hindi pa man nagsisimulang mapanood ang "Martyr or Murderer" o MoM, ang pangalawang pelikula kasunod ng "Maid in Malacañang" o MiM, naghahanap na ang direktor at writer nitong si Darryl Yap ng mga artistang puwedeng gumanap bilang si dating Vice President Atty. Leni Robredo...