BALITA
Marcos, nag-aerial inspection sa Mayon Volcano
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Bulkang Mayon nitong Miyerkules. Kasama niya sa inspeksyon si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, Jr. Pagkatapos nito, pinangunahan din ng Pangulo ang situation briefing...
19-anyos na lalaki, top wanted sa kasong rape, arestado sa Pasay
Isang 19-anyos na lalaki na tinuturing ng pulisya bilang top one most wanted person para sa panggagahasa sa ikalawang kwarter ng taon ang inaresto sa Pasay City nitong Martes, Hunyo 13. Kinilala ni Col Froilan Uy, city police chief, ang suspek na si Michael Jovan...
Sunog, sumiklab sa isang condo sa Taguig
Isang babae ang sugatan sa sunog sa condominium sa Taguig nitong Martes, Hunyo 13. Sa ulat ng Taguig City Fire Station, dakong alas-10:45 ng umaga, tinamaan ng apoy ang isang condominium unit sa Bagong Calzada, Barangay Ususan. Agad na naapula ang apoy alas-10:57 ng umaga...
Nahulihan ng granada, baril: Lalaki, arestado sa Parañaque
Isang 48-anyos na lalaki ang inaresto ng mga miyembro ng Parañaque Police Station Intelligence Section (SIS) dahil sa illegal possession of explosive at firearm kasunod ng anti-criminality operations nitong Martes, Hunyo 13. Kinilala ni Col Renato Ocampo, hepe ng pulisya ng...
Marcos, naghatid ng relief goods sa mga evacuee sa Albay
Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang libu-libong pamilya sa Albay na lumikas dahil sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Sa kanyang pagbisita sa Guinobatan Community College evacuation center nitong Miyerkules, ipinamahagi nito ang dalang relief goods sa mga inilikas...
Walang pasok sa Hunyo 28 -- Malacañang
Walang pasok sa Hunyo 28 bilang pagtalima sa pagdiriwang ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice sa bansa. Ang nasabing Proclamation No. 258 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Hunyo 13. Ito ay tugon ng Pangulo sa...
6 na dating rebelde, sumuko sa awtoridad
Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Boluntaryong sumuko ang anim na dating miyembro ng Militiang Bayan sa Aurora noong Martes, Hunyo 13. Nangako sila ng katapatan sa gobyerno. Ang mga sumuko ay sinamahan umano ng Regional Gravity Center ng Cagayan Valley Committee...
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros
BACOLOD CITY -- Patay ang dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) habang 32 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang sunud-sunod na bakbakan sa puwersa ng gobyerno sa Barangay Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental noong Martes, Hunyo 13. Hindi pa natutukoy ang...
Baboy, binabarat na dahil sa pinaghihinalaang ASF sa Antique
Binalaan ng Antique Provincial Veterinary (ProVet) Office ang mga magbababoy laban sa ilang negosyanteng na nag-aalok na bibilhin ang kanilang mga baboy sa mababang presyo sa gitna ng napaulat na pagtama ng kaso ng African swine fever (ASF) sa Hamtic. Sa panayam, binanggit...
19-anyos na lalaki, arestado sa kasong rape sa Pasay
Isang 19-anyos na lalaki na kinilalang top one most wanted ng pulisya sa kasong rape para sa second quarter ng taon ang naaresto nitong Martes, Hunyo 13, sa Pasay City. Kinilala ni Col. Froilan Uy, city police chief, ang suspek na si Michael Jovan Humang-it, 19, barbero,...