Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City nitong Sabado ng umaga.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Marcos na patuloy na itinataguyod ng pamahalaan ang seguridad sa teritoryo ng bansa na naaayon saKonstitusyon at international law.

Bilang Pangulo ng bansa, ito ang kauna-unahang pagkakataong dumalo si Marcos sa alumni homecoming ng PMA.

Noong 2016 elections, sinamahan ni Marcos ang katambal sa pagkandidato na sidating Senator Miriam Defensor-Santiago, sa parada ng mga kadete para sahomecoming ceremony ng PMA sa Borromeo Field sa Fort del Pilar, Baguio City.