BALITA

Brenda Mage, ninakawan ng mamahalin, ‘di pa fully paid na mga alahas
Abot-abot na stress ang hatid sa komedyante, vlogger at dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Brenda Mage nang madiskubre ngayong Sabado na nawawala na pala ang ilang mamahaling alahas sa kaniyang jewelry box.Sa isang Facebook live, idinetalye ni Brenda kung paano...

Kahit may sinkholes: Boracay, ligtas pa rin sa mga turista -- Aklan mayor
Ligtas pa ring puntahan ng mga turista ang Boracay Island sa Malay, Aklan sa kabila ng nadiskubreng mahigit 800 sinkholes.Ito ang inihayag ni Malaly Mayor Frolibar Bautista sa isang television interview nitong Sabado.Wala aniyang dapat ipangamba ang publiko dahil sa tagal...

Grupo ng mangingisda, hangad na gawing permanente ang pagharang ng imported na isda bansa
Sa kabila ng pagtanggap sa pansamantalang pagbabawal ng ilang imported na isda sa bansa, hinihimok ng isang grupo ng mangingisda ang gobyerno na gawing permanente ang nasabing pagbabawal bilang tulong sa mga nahihirapang mangingisda.Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang...

Ex-President Duterte, naglabas ng pahayag sa pagpanaw ni Joma Sison
Naglabas na ng pahayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado hinggil sa pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Canlas Sison nitong Biyernes."Today, we learned about the passing of Professor Jose Maria “Joma” C. Sison, the...

Pulis na nangholdap ng gasolinahan sa Bohol, timbog
Arestado ang isang pulis-Bohol matapos umano nitong holdapin ang isang gasolinahan sa Trinidad sa nasabing lalawigan nitong Sabado ng hapon.Kinilala ng Bohol Provincial Police Office (BPPO) ang suspek na siStaff Sergeant Conchito Payac, Jr., 33, taga-Cantam-is, Barangay...

Halos ₱10M illegal drugs, nahuli sa Quezon
Halos₱10 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nahuli ng mga awtoridad sa sunud-sunod na operasyon sa Quezon kamakailan.Sa unang anti-drug operation sa Purok Daus, Barangay Poblacion 61, Real nitong Disyembre 13 dakong 11:57 ng gabi, inaresto ng mga tauhan...

African Swine Fever, umabot na rin sa isla ng Guimaras
ILOILO CITY – Naitala na maging sa isla-lalawigan ng Guimaras ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever.Sinabi ni Department of Agriculture (DA)-6 Director Jose Albert Barrogo na ang unang kaso ng lalawigan ay natagpuan sa bayan ng Buenavista.Ang mga specimen mula sa...

Christmas rush sa mga daungan, ramdam na -- PCG
Ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga daungan at terminal ay nararamdaman na mahigit isang linggo bago ang araw ng Pasko, ayon na mismo sa Philippine Coast Guard (PCG).Noong Sabado, Disyembre 17, namonitor ng PCG ang 45,271 na papalabas na pasahero at 35,554 na papasok na mga...

Comelec, layong dagdagan pa ang sites para sa kanilang Register Anywhere Project
Nagpaplano ang Commission on Elections (Comelec) na magdagdag ng mas maraming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad.Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sila sa Department...

Pagbabalik ng UST Paskuhan, ngayong Lunes na; Mayonnaise, isa nga ba sa mga performers?
Taon-taon inaabangan ang Paskuhan sa University of Santo Tomas sa España, Maynila, kaya nang inanunsyo ang pagbabalik nito ngayong taon, kaniya-kaniyang espekulasyon ang mga Tomasino kung sino-sino nga ba ang mga bandang tutugtog at magiging bahagi ng concert.Nagbigay ng...