Idinaan sa pakuwela at patawa ni Megastar Sharon Cuneta ang pagbati niya ng 27th wedding anniversary sa mister na si dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan ngayong Miyerkules, Abril 26.

Sa Japan magdiriwang ng kanilang wedding anniversary ang mag-asawa.

"Konichiwa!!! 27th Wedding Anniversary namin ni neybor @kiko.pangilinan sa 28th kaya dinala niya ako sa Japan today!"

Hirit ng Megastar, "Pag nakabuo pa naman kami at nasundan si bunso eh nakakaumay na. At pag nangyari 'yon ibig sabihin kundi nasapian itong si Kiko ay kinulam kami.😂😂😂 "

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Marami naman ang nagsabi sa mga netizen na why not, coconut daw kyng kaya pa naman.