BALITA
- Internasyonal
Police training, kailangan sa Iraq
ABOARD A US MILITARY AIRCRAFT (AP) - Humihiling si Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi sa koalisyon nito sa American military ng karagdagang police training, partikular para sa Sunnis na magbabantay sa Ramadi at sa iba pang lungsod kapag naitaboy na mula sa nasabing lugar...
Snowstorm sa East Coast: 18 patay
NEW YORK (AP) - Isang malawakang snowstorm na may kasamang malakas na hangin ang tumama sa East Coast, tinabunan ang lugar ng nasa tatlong talampakan ang kapal na niyebe, na nagbunsod ng pagkakaantala ng biyahe ng libu-libong pasahero. Ilang araw matapos ang mga babala sa...
Pope Francis: Watch what you say
VATICAN CITY (AP) - Hiniling ni Pope Francis sa mga pulitiko na mag-ingat sa kanilang mga sinasabi at kung paano ito ipinahahayag. Sa kanyang taunang mensahe para sa World Day of Social Communications ng Simbahan, hinimok ni Francis noong Biyernes ang mga pulitiko at public...
Suspek sa Canada school shooting, tiklo
WINNIPEG, Manitoba, at VANCOUVER (Reuters) - Nadakip ang suspek sa pagpatay sa apat na katao sa pinakamalalang karahasan sa eskuwelahan sa Canada, sinabi ng alkalde ng bayan nitong Biyernes. Ayon sa pulisya, naaresto nila ang suspek matapos itong mamaril sa La Loche,...
43 migrante, patay sa tumaob na bangka
ATHENS (Reuters) – Nasa 43 katao, kabilang ang 17 bata, ang nalunod makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa labas ng Greek islands, malapit sa baybayin ng Turkey nitong Biyernes, ayon sa coastguard. Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas, dose-dosena ang sakay sa...
Chess, ipinagbawal ng Saudi cleric
DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Mainit ang debate ng Arabic Twitter users matapos sabihin sa isang video ng pinakamataas na cleric ng Saudi Arabia na bawal sa Islam ang larong chess dahil isa itong pagsasayang ng oras at nagsusulong ng agawan at awayan sa mga tao....
GF, pinaglakad nang hubad; lalaki, kulong
NEW YORK (AP) — Sinaktan ng isang lalaki ang kanyang nobya nang mahuli niya itong nakikipag-text at nagpapadala ng mga hubad na litrato sa pito pang kalalakihan, at pagkatapos ay pinaglakad niya ang babae na walang saplot sa Manhattan. Ipinaskil niya sa Internet ang video...
Atake sa Somalia restaurant, 20 patay
MOGADISHU (AFP) — Dalawampung katao ang pinaslang ng mga militanteng Islamist Shebab ng Somalia sa pag-atake sa isang bantog na seaside restaurant sa kabiserang Mogadishu, kinumpirma ng pulisya nitong Biyernes. ‘’They killed nearly 20 people, including women and...
12 Marines sa helicopter crash, idineklarang patay
HAWAII (Reuters) — Inihanay na sa listahan ng mga patay ang 12 U.S. Marines na nawawala matapos magkabanggaan ang dalawang military helicopter noong nakaraang linggo sa Oahu island ng Hawaii, sinabi ng militar nitong Huwebes. Itinigil ng Coast Guard ang paghahanap sa mga...
27 Bangladeshi Islamist, inaresto sa Singapore
SINGAPORE (Reuters) — Inaresto ng Singapore ang 27 Bangladeshi construction worker na sumusuporta sa mga grupong Islamist kabilang na ang al Qaeda at Islamic State at ipina-deport ang 26 sa kanila, habang ang isa ay ikinulong dahil sa tangkang pagtakas, sinabi ng gobyerno...