MOIN, MACEDONIA (Reuters) – Daan-daang migrante mula sa isang Greek transit camp ang ilang oras na naglakad sa maputik na daan at tinawid ang umaapaw na ilog para makaakyat sa border fence at makarating sa Macedonia, kung saan sila ay idinetine nitong Lunes, sinabi ng mga awtoridad.

Ayon sa Macedonian police, ilan daang migrante na tumawid papasok sa Macedonia ang ibabalik sa Greece. Tinaya ng isang Reuters photographer na aabot sa 2,000 ang bilang ng mga ito.

Halos 30 mamamahayag, kabilang na ang Reuters photographer, na sinundan ang mga migrante, ang idinetine rin, ayon sa mga saksi.

Bago nito, tatlong migrante ang nalunod sa pagtatangkang makatawid sa bumabahang ilog malapit sa Greek border.

Internasyonal

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump