BANGKOK (AP) – Walo katao ang namatay at pitong iba pa ang nagtamo ng mga pinsala sa headquarters ng isa sa pinakamalaking bangko sa Thailand nang aksidenteng pakawalan ng mga manggagawa ang fire extinguishing chemicals habang ina-upgrade ang safety system ng gusali, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Nangyari ang aksidente nitong Linggo ng gabi sa basement ng Siam Commercial Bank’s headquarters sa Bangkok.

Ayon sa pahayag ng bangko, pinagana ng mga manggagawa ang fire protection system na nagkamaling magpakawala ng Pyrogen aerosol, isang chemical fire retardant.

Kinilala ng bangko ang mga namatay na isang security guard at pitong contractor.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na