BALITA

11 patay sa gumuhong minahan
BEIJING (AP) — Sinabi ng mga awtoridad sa central China na namatay ang 11 manggagawa na naipit sa ilalim ng lupa sa gumuhong coal mine.Ayon sa Yulin city propaganda department, natagpuan ang mga minero noong Huwebes ng hapon, isang araw matapos gumuho ang minahan sa...

Special audit investigation sa paggastos ng pondo ng bayan, itinigil ng CoA
Ititigil muna ng Commission on Audit (CoA) ang isinasagawa nitong special audit investigation sa paggamit ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga pondo ng bayan sa panahon ng halalan.Ito ang inihayag ni CoA chairperson Michael Aguinaldo kasunod ng pagtatakda nila ng cut-off date...

Remittance mula Middle East, posibleng humina dahil sa alitang Saudi-Iran
Nababahala ang Pilipinas na babagal ang daloy ng mga remittance mula sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Middle East dahil sa tensiyon doon, sinabi ng governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)noong Martes.Halos 2.5 milyong katao mula sa Pilipinas ang nagtatrabaho sa Middle...

Non-stop bus service sa EDSA, pinalawig
Dahil sa popularidad ng holiday non-stop bus service, pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service hanggang sa Enero 31, 2016.Sumusunod ang mga bus sa schedule upang mapaikli ang oras ng biyahe ng mga...

Ex-MisOr governor, nahaharap sa panibagong malversation
Muling sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong paglustay ng pondo si dating Misamis Oriental Governor Antonio Calingin, sa pagkabigong ma-liquidate ang cash advance na nagkakahalaga ng P500,000 para sa rehistrasyon ng Misamis Oriental Telephone System, Inc....

Kasambahay, tinangayan ng P160,000 ang amo; timbog
Arestado ang isang kasambahay matapos niya umanong tangayin ang P160,000 cash ng kanyang amo nang magbakasyon ito sa Quezon City, kamakalawa.Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rosita Versoza, 32, ng Riverside Kaingin I, Barangay Pansol, Quezon City.Nagtatrabaho si Versoza...

Pinakamatagal na prusisyon ng Poong Nazareno: 22 oras
Dalawampu’t dalawang oras.Ito ang pinakamatagal na prusisyon ng Poong Nazareno sa kasaysayan ng simbahan, na nangyari noong Enero 9, 2012 matapos bumigay ang andas ng carroza ng Mahal na Poon.“Ang andas ay gawa sa bakal na mayroong solid na gomang gulong. Ang mga ito ay...

Mamasapano case, huwag gamitin sa pulitika—LP official
Binanatan ni Liberal Party political affairs officer at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang plano ni Senadora Grace Poe na buksang muli ang imbestigasyon sa Mamasapano carnage, na 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang nagbuwis ng buhay...

3 holdaper, nabangga ang motorsiklo ng pulis; tiklo
Tatlong tricycle driver, na suma-sideline bilang holdaper, ang nadakip ng awtoridad makaraang mabangga nila ang motorsiklo ng isang pulis-Maynila habang tumatakas mula sa security guard na humahabol sa kanila matapos nilang mambiktima sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling...

Anak ng SC justice, nahaharap sa rape case
Nahaharap ngayon sa kasong rape at serious illegal detention sa Makati City Prosecutor’s Office ang anak ng namayapang Supreme Court associate justice na si Jose Feria, dahil sa pambibiktima umano sa kanyang empleyada.Sa pitong-pahinang reklamo na inihain sa piskalya ng...