BALITA

Nigeria: 40 patay sa Lassa fever
ABUJA (AFP) – Apatnapung katao ang nasawi sa Nigeria sa hinihinalang epidemya ng Lassa fever sa 10 estado sa bansa, ayon kay Health Minister Isaac Adewole.“The total number (of suspected cases) reported is 86 and 40 deaths, with a mortality rate of 43.2 percent,”...

Landslide sa China: Mahigit 50, patay
Umakyat na sa 60 katao na ang kumpirmadong patay sa malawakang pagguho ng lupa sa China noong nakaraang buwan, sinabi ng mga awtoridad nitong Miyerkules, at 25 katao pa ang nawawala. Ang pagguho ng lupa sa bayan ng Shenzhen, na sanhi ng maling pag-iimbak ng basura mula sa...

3 turista sa Egypt, sugatan sa pag-atake
CAIRO (AP) - Dalawang hinihinalang militante ang nasa likod ng pananaksak sa tatlong turista—dalawang Austrian at isang Swede—sa Red Sea Hotel sa Egypt noong Biyernes, ayon sa Interior Ministry. Nagpaputok ang security officials laban sa dalawang suspek, dahilan upang...

'El Chapo', balik-kulungan na
MEXICO CITY (AP) — Kinumpirma ni Mexican Attorney General Ariely Gomez ang muling pagkakadakip sa drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman at nakapiit na muli ito sa Antiplano—ang kulungang tinakasan nito noong Hulyo 11, sa pamamagitan ng tunnel na hinukay sa...

Roxas: Dadalo ako sa imbestigasyon sa Mamasapano case
Handa si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na humarap sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado sa madugong Mamasapano carnage kung ipatatawag ng komite na pinangungunahan ng katunggali niya sa pagkapangulo sa 2016 na si Sen. Grace Poe.“Hindi tayo aatras sa ano...

2 patay, maraming sugatan, sa Traslacion ng Nazareno
Dalawang deboto ang iniulat na nasawi, habang libong iba pa ang nasugatan, sa taunang pista ng Poong Nazareno na dinaluhan ng milyun-milyong deboto sa Quiapo, Manila.Sa ulat ng Manila Police District (MPD), isang 50-anyos na lalaki ang nasawi matapos na dumalo sa isang misa...

Dalagita, nagbigti
SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pagpapatiwakal ng isang 16-anyos na babae, na natagpuan ng kapatid nito na nakabitin ng electric wire sa loob ng kanilang bahay, umaga nitong Enero 5. Kinilala ng San Leonardo Police ang...

Magsasaka, patay sa alitan sa lupa
TALAVERA, Nueva Ecija - Nasawi ang isang 53-anyos na magsasaka makaraan itong pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa Purok Aguinaldo sa bayang ito, nitong Miyerkules ng umaga.Sa ulat ni P/Supt. Roginald A. Francisco, OIC chief ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel...

Mag-utol sa lumubog na bangka, hinahanap pa
CATICLAN, Malay, Aklan – Isang magkapatid na binata ang kasalukuyang pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos silang makasama sa mga nalunod sa paglubog ng sinasakyan nilang bangka patungong Sta. Fe sa Romblon.Ayon kay Lt. Junior Grade Edison Diaz, hepe ng...

Most wanted sa Laguna, arestado
BATANGAS - Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang most wanted person sa Laguna, alinsunod sa Oplan: Lambat Sibat ng pulisya sa Batangas.Naaresto si Ruben Añonuevo, 21, taga-Barangay San Roque, Luisiana, Laguna, sa pagtangay umano sa pera ng kanyang amo.Ayon sa report mula sa...