BALITA
5.9-magnitude, tumama sa Northern Samar
Tinamaan ng 5.9-magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Northern Samar nitong Biyernes ng hapon. Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 2:33 ng hapon nang maitala ang pagyanig sa karagatan ng nasabing lalawigan o 105 kilometro...
BSP, handang maglabas ng ₱35B para sa 'Maharlika' fund
Handa nang maglabas ng bilyun-bilyong piso ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa isinusulog na panukalang Maharlika Wealth Fund (MWF). Ito ang tiniyak ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila, Jr sa mga kongresista sa isinagawang pagdinig ng House Committee on...
Biktima ng umano'y salvage, itinapon sa estero
Bangkay na ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage, nang matagpuan sa Estero de Vitas, Tondo, Manila nitong Huwebes, Disyembre 8. Tadtad ng bala ang katawan at nakatali ng "packaging tape" ang mga kamay ng 'di pa kilalang biktima, na inilarawang nasa edad 25-30,...
Lamentillo, taas noo sa pagiging Army Reservist
Ipinagmamalaki ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary at Army reserve 1st lieutenant Anna Mae Yu Lamentillo ang kaniyang pagiging bahagi ng Philippine Army bilang isang reservist. Dumalo si Lamentillo sa kauna-unahang fellowship...
Hidilyn Diaz bilang world champion: 'Natupad din sa wakas!'
Hindi pa rin makapaniwala si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na natupad na niya ang pinapangarap niyang maging "world champion." "Kay gandang pakinggan, eto ay aking lamang pinapangarap. Natupad din sa wakas!" ani Diaz sa isang Instagram post. View this post on...
LPA, posibleng mabuo bilang bagyo sa Sabado
Posibleng mabuo bilang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa pagtaya ng PAGASA, ang naturang LPA ay magiging bagyo sa Sabado, Disyembre 10, at ito...
Nick Carter ng Backstreet Boys, inakusahan ng rape
Inakusahang nanggahasa ng isang fan na may kapansanan noong 2001 ang miyembro ng Backstreet Boys na si Nick Carter. Sa isang press conference na livestream sa Facebook, maluha-luhang sinabi ni Shannon "Shay" Ruth na si Carter ay sekswal na sinaktan siya sa tour bus ng banda...
Lacuna, may apela sa mga magulang: Mga anak, pabakunahan bilang proteksyon sa Covid-19 ngayong Kapaskuhan
Umaapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga magulang at guardians nitong Biyernes na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang proteksyon, ngayong panahon ng Kapaskuhan. Ang apela ay ginawa ni Lacuna matapos na mapunang napakababa ng bilang ng mga batang...
Nakaparadang pison, ninakaw sa Quezon
TIAONG, Quezon -- Tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang mini-pison na nakaparada malapit sa Maharlika Highway noong Huwebes ng umaga, Disyembre 8, sa Brgy. Talisay dito. Pag-aari ng l.A. Bosque Construction Corp. ang naturang makina at naiulat itong nawawala...
Singil ng Meralco sa kuryente ngayong Disyembre, tataas ng ₱0.3297/kwh
Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Biyernes na magpapatupad sila ng taas na ₱0.3297 kada kilowatt-hour (kwh) sa singil nila sa kuryente ngayong Disyembre. Sa abiso ng Meralco, bunsod ng dagdag-singil, ang halaga ng elektrisidad para sa typical household...