MJ Salcedo

Tolentino, hinikayat DOH na payagan mga dayuhang doktor na magsilbi sa mga ospital sa PH
Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Hunyo 13, na pag-aralan ang posibilidad na payagan ang mga dayuhang doktor na makapagtrabaho sa bansa sa limitadong panahon.Sa kaniyang lingguhang programa sa radyo, ipinaliwanag ni...

DSWD, planong mamigay ng cash aid sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Mayon
Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes, Hunyo 13, na tinitingnan ng kagawaran ang pagkakaloob ng tulong na salapi sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.Sa panayam ng ANC, ipinunto ni DSWD...

PBBM, nangakong pangungunahan ‘Pinas tungo sa pag-unlad
Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Hunyo 12, na pangungunahan niya ang bansa sa pagharap sa mga hamon tungo sa isang daan ng pag-unlad para sa bawat Pilipino.Pinangunahan ng Pangulo ang pagdiriwang ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng...

221 rockfall events, 1 pagyanig naitala sa Bulkang Mayon
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 221 rockfall events at isang pagyanig sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.Sa tala ng Phivolcs nitong Martes, Hunyo 13, nagkaroon din ang bulkan ng isang pyroclastic density current...

Caritas PH, nanawagan ng mas malinis na eleksyon sa Araw ng Kalayaan
Sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes, Hunyo 12, nanawagan si Caritas Philippines President Bishop Colin Bagaforo para sa mas malinis na proseso ng eleksyon sa gitna umano ng papalapit na barangay at SK elections sa bansa."On this momentous...

Zubiri, sinigurong itataguyod ng Senado ang kalayaan ng bansa
Nakiisa si Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, at sinabing patuloy na itataguyod ng Senado ang kalayaan ng bansa.“Mula po sa inyong Senado, maligayang ika-125 taon ng Araw ng ating Kalayaan,” ani Zubiri sa...

'Brave soul': Romualdez, binigyang-pugay si dating senador Rodolfo Biazon
Binigyang-pugay ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Lunes, Hunyo 12, si dating senador Rodolfo Biazon na pumanaw na ngayong Araw ng Kalayaan.Kinumpirma kanina ng kaniyang anak na si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pagpanaw ng dating senador sa edad na...

Artist sa Samar, umukit ng giant leaf art bilang paggunita ng Araw ng Kalayaan
‘RAISE YOUR FLAG 🇵🇭’Lumikha ng giant leaf art ang artist na si Joneil Severino, 24, mula sa Gandara, Samar, tampok ang isang imahen na sumisimbolo umano sa isang Pilipinong nagtataas ng watawat ng Pilipinas bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Lunes,...

50% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti ang ekonomiya ng ‘Pinas sa susunod na 6 buwan — OCTA
Tinatayang 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan, ayon sa inilabas na resulta ng March 2023 survey ng OCTA nitong Linggo, Hunyo 11.Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 40% naman umano ang naniniwalang...

Remulla sa Araw ng Kalayaan: ‘Pangalagaan at ipaglaban ang ating kalayaan’
Ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, hinikayat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga Pilipinong pangalagaan at ipaglaban ang kalayaan ng bansa.“Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang diwa ng kasarinlan at kalayaan....