Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 221 rockfall events at isang pagyanig sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Sa tala ng Phivolcs nitong Martes, Hunyo 13, nagkaroon din ang bulkan ng isang pyroclastic density current (PDC) event o pagbuga ng lava, at nakikita ang banaag at mabagal na pag-agos ng lava mula sa summit crater nito.

Samantala, naiulat din ngayong araw ang pagkakaroon ng katamtamang pagsingaw ng usok mula sa bunganga ng bulkan na napadpad pa-hilagang silangan.

Samantala, nasa 723 tonelada ng sulfur dioxide kada araw na ang ibinuga nito mula nitong Lunes.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Patuloy pa rin ang pamamaga ng Bulkang Mayon na nananatili sa Alert Level 3.

Naobserbahan umano ang naturang pag-aalburoto ng bulkan dakong 5:00 ng madaling araw nitong Lunes, Hunyo 12, hanggang 5:00 ng madaling araw nitong Martes.

Ayon sa Phivolcs, maaaring maganap ang pagguho ng bato, mga iniitsang tipak ng lava o bato, pag-agos at pag-itsa ng lava, uson, katamtamang pagputok, at pagdaloy ng Lahar kung may matinding pag-ulan.

Kaya naman, mariing ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius sa Permanent Danger Zone maging ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.