‘RAISE YOUR FLAG 🇵🇭’

Lumikha ng giant leaf art ang artist na si Joneil Severino, 24, mula sa Gandara, Samar, tampok ang isang imahen na sumisimbolo umano sa isang Pilipinong nagtataas ng watawat ng Pilipinas bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Lunes, Hunyo 12.

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Severino na ang nasabin Giant Leaf Art ay ginawa niya sa loob ng isang oras.

Giant taro leaf umano ang ginamit niyang dahon sa kaniyang naging pag-ukit sa naturang obra.

“Ang pagmamahal sa ating bayan ay walang hangganan,” saad naman ni Severino sa kaniyang Facebook post.

“Sana’y, Huwag natin kalimutan ang mga sakripisyo at pagmamahal ng ating mga bayani na nag alay ng kanilang buhay at sarili upang makamit natin ang kalayaan. Patuloy kang maging malaya, Pilipinas! 💚” dagdag niya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!