Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Setyembre 1 para sa ligtas na pagmamaneho ng mga motorista, tsuper, at delivery riders, sa kasagsagan ng pagbalot ng haze at maruming hangin mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.
Batay sa ulat ng Manila Bulletin, nakapagtala ng “acutely unhealthy” air quality ang 11 sa 15 monitoring stations sa National Capital Region (NCR) dahil sa usok ng forest-fire sa Indonesia na umabot sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.
Kaya bukod sa bantang dulot ng haze at maruming hangin sa kalusugan, mapanganib din ito para sa mga nagmamaneho ng sasakyan dahil nababawasan nito ang visibility sa kalsada.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang puwedeng maging dulot ng haze o maruming hangin sa tao?
KAUGNAY NA BALITA: 'Walang N95 mask?' Alamin alternatibong paraan para maprotektahan sarili laban sa haze
Dahil dito, narito ang mga paalala ng DOH sa pagmamaneho habang nananatiling marumi ang hangin sa iba’t ibang parte ng bansa:
1. Gumamit ng low-beam o fog lights sa pagmamaneho.
2. Manatili sa mababang speed limit.
3. Tiyaking malaki ang agwat ng sasakyang nasa unahan at kung maaari ay doblehin ang karaniwang distansya bago tumigil.
4. Kung may aircon ang sasakyan, isa ang mga bintana at i-set ang A/C sa “recirculate” mode para maiwasan ang pagpasok ng usok sa loob ng sasakyan.