Usap-usapan ng mga netizen ang pagbida ng social media personality na si Sachzna Laparan sa lalaking tila muling nagpapatibok sa puso niya, na tinawag niyang "Hun."
Direktang pinangalan at tinag ni Sachzna ang nabanggit na guy sa Facebook post niya noong Linggo, Agosto 30, si Renz Calvin Estrella, with matching photos pa nila habang sweet na sweet sila together.
Sa apat na photos na naka-attach sa post ni Sachzna, makikitang tinaniman pa siya ng kiss ni Renz sa left cheek niya, at nakayakap pa sa kaniya. Bongga!
"Hun! Renz Calvin Estrella," simpleng caption niya sa post.
May simpleng hirit naman siya sa mga nag-ispluk na kesyo nakahanap kaagad siya ng jowa matapos silang maghiwalay ng ex-boyfriend na si Mark Pascual noong Hulyo lang, na naging kontrobersyal pa nga dahil sa isyu ng utang.
Maki-Balita: Aminado sa financial problem: Mark kay Sachzna, 'Dapat sumuko ka na pero pinili mo pa rin ako!'
Maki-Balita: Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran
Sey ni Sachzna, hindi raw uso ang "healing process" sa kaniya dahil in the first place, wala naman daw siyang sakit. Ganito kasi ang tawag para sa mga taong kakaalis lang sa isang relasyon, o kaka-break lang sa mga jowa nila.
"Anong heal heal? Wala akong sakit," hirit niya.
Hirit pa niya, "Wala na po uutang sakin na jowa wag kayo mag alala..."
Photo courtesy: Screenshot from Sachzna Laparan/FB
Mukhang aprub naman sa mga netizen at malalapit na kaibigan ang bagong boylet.
Naispatang kasama ni Sachzna ang nabanggit na guy sa matagumpay na 20th anniversary concert ni Pop Rock Royalty Yeng Constantino sa Smart Araneta Coliseum, ang "Biyaheng Bente" noong Agosto 29 o Day 2.
Isa pa nga sa mga nagkomento rito si Direk Darryl Yap.
"Ok to mayaman, kahit wag ka na mahalin. wag ka lang pagastusin," aniya.
Reply naman ni Sachzna, "tama!"
Photo courtesy: Screenshot from Sachzna Laparan/FB
Samantala, batay sa Facebook profile ni Renz, walang masyadong detalyeng nakalagay maliban sa isa siyang "digital creator" at may 19,000 followers.
Kung ire-research online, noong 2025, nakatanggap ng award si Renz bilang "Honorary Chief Executive of the Year" mula sa Nation Builders & Mosliv Awards, bilang president at CEO ng Zenith Capital, isang business loan and financial services company na nakabase dito sa Pilipinas, na nagpapa-loan sa small and medium-sized enterprises (SMEs) at corporations.