August 31, 2026

Home BALITA

Paalala ni Tarriela sa Heroes' Day: ‘Wag magpadala sa mga chinongaling!’

Paalala ni Tarriela sa Heroes' Day: ‘Wag magpadala sa mga chinongaling!’
Photo Courtesy: Jay Tarriela (FB)

Nagbigay ng paalala si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela kaugnay sa pag-alala sa sakripisyo ng mga bayaning Pilipino.

Sa latest Facebook post ni Tarriela nitong Lunes, Agosto 31, hinimok niya ang mga kababayan na tindigan kung ang pag-aari ng Pilipinas.

“Sa paggunita sa sakripisyo at kabayanihan ng ating mga bayani, tindigan natin ang kung ano ang sa atin at ’wag tayong magpadala sa mga chinongaling!” saad ni Tarriela.

Kilala si Tarriela sa hayagan niyang pagpuna sa pambubully ng China sa Pilipinas sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang pinalagan niya noong Hulyo ang inilabas na Artificial Intelligence (AI) generated video ng China Daily’s publication kung saan inilalarawan dito ang mga Pilipino bilang unggoy. 

National

Alang-alang sa susunod na henerasyon: VP Sara, ibinida tree planting sa Surigao del Sur

“Mga kababayang Pilipino hindi po tayo UNGGOY,” PCG spokesperson, “at huwag tayong pumayag na gawing UNGGOY!”

Maki-Balita: 'Mga kababayan, 'di po tayo unggoy!' Tarriela, binirang 'mas masahol pa sa hayop' ang China

Bukod kay Tarriela, inalmahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing video. Anila, lumampas umano ang China sa limitasyon nito at tuluyang ipinakita ang pagiging racist sa mga Pilipino.

Maki-Balita: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!