August 30, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking tumaga sa kamay ng pulis, pumanaw habang inooperahan!

Lalaking tumaga sa kamay ng pulis, pumanaw habang inooperahan!
UNSPLASH

Kumpirmadong nasawi ang 38-anyos na lalaking suspek sa pananaga sa naputol na kamay ng isang pulis sa Camarines Sur.

Ayon sa mga ulat, pumanaw ang suspek sa kalagitnaan ng kaniyang operasyon noong Agosto 29. 

Bagama’t wala pang kabuuang detalye hinggil sa dahilan ng pagsailalim niya sa operasyon, matatandaang binaril siya sa binti ng isa sa mga pulis na rumesponde upang maaawat ang pananaga ng suspek sa biktimang pulis.

Bukod sa tama ng bala sa hita, napag-alamang nagtamo rin siya ng tama ng ba;a sa kaniyang tiyan.

Nangyari ang insidente noong Agosto 22 matapos makatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa pag-aamok ng suspek.

Probinsya

2 bangkay ng bata, natagpuan sa isang lawa sa Zambales; ibang biktima, hinahanap pa

Sa pagresponde ng pulisya, isa sa mga tauhan nila ang naputuluan ng kaliwang kamay at kaagad na isinugod sa Bicol Medical Center.

Kasunod nito, noong Agosto 24 nang napaulat na matagumpay na naikabit ng mga doktor ang naputol na kamay ng biktima matapos sumailalim sa tinatayang walong oras na operasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Kamay ng pulis na naputol sa pagresponde, naikabit na!

Samantala, tuluyan nang pinutol ng mga doktor ang kamay ng biktima kamakailan.  Ayon sa mga ulat, patuloy na inoobserbahan sa Bicol Medical Center ang naturang pulis matapos mapagdesisyunan ng mga doktor na muling putulin ang kaniyang kaliwang kamay.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang ospital subalit ayon sa San Jose Municipal Police Station, ang nangyaring pagputol sa kamay ng biktima ay upang mapigilan ang paglala umano ng kaniyang kondisyon.

KAUGNAY NA BALITA: Kamay ng pulis na naputol at naikabit, tuluyan nang pinutol ng mga doktor!