Binasag na ni Kapuso singer Thea Astley ang kaniyang pananahimik matapos pumutok ang isyu nila ni Kapamilya actor Elijah Canlas.
Matatandaang naispatan sina Elijah at Thea na magkahawak-kamay sa isang public market sa La Union kamakailan.
Dahil dito, lumutang ang usap-usapan na hiwalay na muli si Elijah sa girlfriend niyang si “Eat Bulaga” host Miles Ocampo.
Sa isang episode ng lifestyle vodcast na “TRGGRD” noong Biyernes, Agosto 28, inurirat si Thea tungkol sa nasabing isyu.
“Ang tanong, ano bang lulutuin n'yo no'n at bibilhin n'yo sa palengke?” usisa ng isa sa mga host na si Papa Dudut.
"Pinakbet," natarawang sagot ni Thea. "Dahil lang sa pinakbet, ang dami nang nasabi. [...] Hindi ko rin alam ba't nag-viral. Bumibili lang naman kami ng gulay. Okray pa nga yata 'yong binibili namin."
Ayon sa Kapuso singer, nagulat daw silang dalawa ni Elijah na lumaki ang isyu nang gano’n bagama’t napansin na rin naman nila ito ilang araw bago sila bumalik sa Maynila.
“It was just taken out of context because there was a video tapos biglang naging screenshot na where 'pag screenshot lang talaga ang tiningnan mo, mapapaisip ka talaga that Elijah was holding my hand,” saad ni Thea.
Dagdag pa niya, “But I just want to clear that Elijah and I are friends. Like we've been friends for years now at this point. I've never cheated on anyone. I've never been the third party in any relationship to my knowledge.”
Maki-Balita: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na naman?
Samantala, wala pa namang nilalabas na pahayag sina Elijah at Miles hinggil sa naturang isyu.
Ngunit sa isang panayam ay inamin ni Elijah na sa ngayon ay wala siya sa pinakamasayang bahagi ng kaniyang buhay.
“I'm okay, but it's not the happiest moment of my life,” anang aktor. Wala naman na siyang binanggit na iba pang detalye tungkol dito.
Maki-Balita: Elijah Canlas, tikom ang bibig sa hiwalayan nila ni Miles Ocampo