Hindi direktang sinagot ng aktor na si Elijah Canlasa ang lumulutang na intriga tungkol sa estado ng relasyon nila ni “Eat Bulaga” host Miles Ocampo.
Nagsimula ito noong maispatan si Elijah na ka-holding hands ang Kapuso singer na si Thea Astley sa isang public market sa La Union.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Martes, Agosto 11, inamin ni Elijah na wala raw siya sa pinakamasayang sandali ng buhay niya.
“I'm okay but it's not the happiest moment of my life,” saad ni Elijah. Wala naman na siyang binanggit na iba pang detalye hinggil dito.
Sa ngayon, nagpapakaabala raw siya sa trabaho.
Anang aktor, “It’s hard to ignore those blessings.”
Bahagi si Elijah ng action-comedy suspense filmna “HB2ME” na ipapalabas sa Agosto 19. Kasama niya rito sina John Arcilla, Alexa Miro, at iba pa.
Matatandaang minsan na ring nagkahiwalay sina Miles at Elijah noong Nobyembre 2023. Ngunit nagkabalikan din naman sila kalaunan.
In fact, naispatan pa noong Disyembre 2024 ang kanilang sweet moment sa kasal nina Jose Manalo at Gene Maranan.
MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo nagtukaan sa kasal ni Jose Manalo
Samantala, bukas naman ang Balita para sa panig ni Miles sakali mang gusto niyang linawin ang tunay na status ng relasyon nila ni Elijah.