August 26, 2026

Home BALITA National

Pangilinan, inurirat testigo kung 'usual’ ang pagbibigay ng ₱122M sa informants!

Pangilinan, inurirat testigo kung 'usual’ ang pagbibigay ng ₱122M sa informants!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Kinuwestiyon ni Senator-Judge Kiko Pangilinan ang kasalukuyang Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff ng Office of the Vice President (OVP) na testigong si Lemuel Ortonio kung “usual” ba umano para dito ang pagbibigay ng ₱122 milyon sa mga informant ng confidential funds. 

Sa ikinasang ika-19 na araw ng Senate impeachment trial nitong Miyerkules, Agosto 26, 2026, inungkat ni Pangilinan ang mga confidential fund na nagasta umano para sa “purchase of supplies” at “worth of goods” na nagkakahalagang ₱112 milyon. 

Tumanggi naman si Ortonio na may personal umano siyang nalalaman tungkol dito. 

“So hindi mo rin alam ‘yong ₱112 worth of goods. Anong goods ‘yon?” anang senador. 

Depensa naman ng testigo., “Again, Sir, i would have no personal knowledge on the specifics of the supplies.” 

National

Sen. Ping, tumiradang ‘stupid’ copy & paste umano ang PFP ng OVP noong 2022-2023

Urirat ni Pangilinan, nakikita ba raw ni Ortonio na “usual” o “unusual” ang pagbibigay ng halagang ₱122 milyon sa mga informant at ang mga ito na lang daw ang bibili ng kanilang sariling mga gamot. 

“You have two Master’s Degrees, you are a graduate of Ateneo, would you consider this as usual? I mean, now that you know. Di ba, sabi nga nila, hindsight 2020, vision is always 2020 in hindsight. Sa ganitong para sa surveillance, binigyan ng gamot na ₱122 million, ‘yong mga informant sila na lang daw ang bibili ng gamot. Is this usual in terms of using government funds and you being VAC Head?” kuwestiyon ni Pangilinan.

Diin naman ni Ortonio, dumaan naman daw umano sa proseso na pinapayagan ng batas ang pagbibigay ng OVP ng confidential funds sa mga informant. 

“Sa pagkakaintindi ko po, Sir, it went through the process that is allowable by law,” aniya. 

Paglilinaw naman ni Pangilinan, “So it is usual. That’s just my question. Do you find this usual? Yes or no? So you find this process na medicines ang binibigay bilang reward sa mga informant, pero hindi medicines, pera, sila ang bibili ng medicines, ₱122 million in a period of nine months, for you that is usual?” 

“Kung sa pagkakaintindi ko po, Sir, and based po sa understanding ko sa JMC, I would say so,” paninindigan ni Ortonio. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Ligutan sa 'misleading question post' isyu: 'Ang pagtatama ng mali ay walang pinipiling lugar!'

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa mga tumawag sa kaniya ng 'mastermind of a scam,' 'brat': ‘Prove it with evidence!’

Inirerekomendang balita