Nagpakawala ng cryptic post ang aktres na si Agot Isidro na hula ng mga netizen, ay para kay dating Office of the Vice President (OVP) special disbursing officer Gina Acosta na umupong hostile witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kaniyang post sa X noong Lunes, Agosto 24, tila kinuwestiyon ni Isidro ang kakayahan at integridad ng isang taong pinagkatiwalaan umano ng napakalaking halaga ng pampublikong pondo.
“Ganyan ba level ng comprehension, competency and integrity ang pinagkakatiwalaan ng half a billion pesos?" mababasa sa post ng aktres.
"Tanga-tangahan ba or totoo na?"
"Your honor, I’m confused.”
Photo courtesy: Screenshot from Agot Isidro/X
Bagama't hindi binanggit ni Isidro ang pangalan ni Acosta, iniuugnay ng ilang netizen ang kaniyang pahayag sa dating OVP official, na naging sentro ng mga pagtatanong ng prosecution sa paggamit at pag-release ng confidential funds, sa pagpapatuloy ng impeachment trial noong Lunes.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"For someone who has worked for VPS during VPS’s mayor days, she’s knows what she’s doing, dating gawi! She’s pretty smart on evading all the questions. I don’t feel sorry for her. She knows what she’s doing hence kailangan Nya rin managot! Mala Alice Guo ang peg."
"Si Gina Acosta ang future secretary ng Department of Budget and Management pag naging presidente si Inday Sara."
"And to think ang laki ng sahod nya roughly 150k monthly++ …nahiya naman mga naghihirap at patas na lumalaban daily sa buong staffs ni Sara..if that alone doesn’t make one so furious, we are soo doomed as a nation."
"Nag bobobobohan lang yan. Obviously merong guilty party part sya doon maliban kay Sara lustay. Napaka obvious naman tanga nalang pag dimo pa na comprehend yung mga ngyayari. Jusko Gigil si ate SDO Deserve makulong kasama ni sara."
Sino si Gina Acosta?
Si Gina Acosta ay dating Special Disbursing Officer (SDO) ng OVP na naging responsable sa pagproseso at pag-disburse ng confidential funds ng tanggapan.
Noong Agosto 17, idineklarang hostile witness si Acosta ng Senate impeachment court matapos igiit ng prosecution na may conflict of interest dahil nananatili siyang empleyado ng OVP at may kaugnayan sa administrasyon ni Duterte.
Sa kaniyang pagharap sa impeachment court, inamin ni Acosta na wala siyang formal training para sa pagiging SDO at hindi rin niya alam kung bakit siya ang pinili ni Duterte para humawak ng confidential funds.
Nang tanungin kung bakit siya ang napili, sinabi niya:
“Hindi ko alam, Your Honor. Basta ginagawa ko lang ang trabaho ko na pagiging SDO.”
Ang naturang pahayag ay isa sa mga naging punto ng pagtatanong sa kaniyang kakayahan at kwalipikasyon para sa posisyong humawak ng malaking halaga ng confidential funds.
Isa rin sa pinakamahalagang bahagi ng testimonya ni Acosta ang tungkol sa ₱125 milyon na confidential funds na ipinasa umano sa security officer ni Duterte na si Col. Raymund Dante Lachica.
Ayon sa kaniyang naging testimonya, si Duterte mismo ang nag-utos sa kaniya na i-turn over ang naturang halaga kay Lachica.
Maki-Balita: Testimonya ni Gina Acosta, ‘smoking gun’ sa impeachment trial—Prosecution
Maki-Balita: ALAMIN: Mga pinuntusang salaysay ng Prosecution sa pagtestigo ni Gina Acosta!