August 20, 2026

Home BALITA

Ramon Tulfo, binirang hipokrito ang Pinas sa usapin ng prostitusyon!

Ramon Tulfo, binirang hipokrito ang Pinas sa usapin ng prostitusyon!
Photo courtesy: Ramon Tulfo

Pumatutsada ang batikang kolumnista at kapatid radio broadcaster na si Ramon Tulfo kaugnay sa pagiging hipokrito umano ng Pilipinas pagdating sa usapin ng prostitusyon sa bansa. 

Sa pahayag ni Tulfo sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 20, 2026, binuwelta niyang ayaw raw ng mga Pilipino ng diborsyo ngunit kalimitan naman umano na may babae ang karamihan ng may asawang lalaki. 

Aniya pa, tinatabla rin umano ng marami ang prostitusyon habang may mga lalaking politiko raw ang kumukuha ng mga “PR girls” o “one-night partners.” 

“We don’t want divorce but most married men have girlfriends on the side,” pagsisimula

Dagdag pa niya, “We supposedly abhor prostitution , but most male public officials or politicians entertain guests or themselves by employing so-called PR girls or one-night partners.” 

Probinsya

Guidance counselor, patay sa sagasa ng truck!

Screenshot mula sa FB post ni Tulfo. 

Pagpapatuloy ng kolumnista, marami rin daw mga babae ang nasasangkot sa “extramarital affairs” o pangangaliwa at mga pari sa simbahan na may mga bata umanong parokyano. 

“And, oh, we have many married women who engage in extra-marital affairs!” aniya. 

Tirada pa niya, “Even some Catholic priests have women or young boys among their parishioners. Especially so in rural areas.” 

Dahil umano sa mga nabanggit, binira ni Tulfo na tila hipokrito raw ang bansa sa usapin ng prostitusyon o pakikiapid. 

“We’re really a hypocritical society. Yes, hypocrites— that’s what we are!” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Ramon Tulfo, babae ang mas bet na lider ng bansa

KAUGNAY NA BALITA: Mon Tulfo kay VP Sara: 'Pag nahalal bilang Presidente, tatlo na bobo naging Pangulo!'