August 17, 2026

Home BALITA National

Atty. Kapunan, Atty. Ferrer matapos magyakapan: 'She called me 'Mommy''

Atty. Kapunan, Atty. Ferrer matapos magyakapan: 'She called me 'Mommy''
Photo courtesy: Senate PRIB

Ibinahagi sa publiko ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang ilan sa naging pag-uusap nila ni Atty. Kristine Ferrer, mula sa defense panel, matapos kumalat sa publiko ang larawan nilang dalawa na magkayakap bago magsimula ang Senate impeachment trial nitong Lunes, Agosto 17, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kapunan, Atty, Ferrer nagyakapan

Bago nito, matatandaang tila naging mainit ang tensyon sa pagitan nina Kapunan at Ferrer sa impeachment trial sa nagdaang ika-15 na araw ng impeachment trial noong Agosto 12, tungkol sa isyu ng tinatawag na "misleading questions" kaugnay ng pagtatanong sa testigong si Commission on Audit (COA) auditor Xylene del Campo. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I don’t think I need to lecture you that!' Kapunan, Ferrer nagkagirian dahil sa 'misleading question'

Bukod pa rito, matatandaan ding nagpaalala pa si Kapunan sa naging panayam sa kaniya ng isang TV news station noong Agosto 13 na mas epektibo raw minsan ang maging mahinahon sa pakikipag-argumento.

National

Rep. Abante, nabahala: 'Binaha ng pera ang confidential funds!'

Aniya pa, mas mahalaga raw matutunang malaman kung kailan dapat tumigil at mas mabisa raw, kung minsan, ang hindi na lang mag-cross-examination sa isang batikang testigo.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kapunan sa pagdedepensa: 'You don't have to be aggressive to make a point!'

Sa bagong pahayag naman ni Kapunan sa naging panayam sa kaniya ng media nitong Lunes, Agosto 17, ibinahagi niyang tinawag daw siyang “Mommy” ni Ferrer nang makapag-usap sila bago magsimula ang impeachment trial. 

“She called me ‘Mommy,’” aniya. 

Kuwento ni Kapunan, pinayuhan daw niya si Ferrer na huwag nang tumingin sa social media dahil nakakasakit daw talaga ang mga opinyon at komentong nagmumula rito. 

Pagpapatuloy pa niya, sumang-ayon naman daw si Ferrer at lumabas na ayos umano ang sitwasyon nila sa isa’t isa. 

“I said don’t look at social media. Kasi sometimes it’s very hurting,” ‘ika niya. 

“Sabi niya naman, okay. She said, “We’re good. We’re good,’” pagtatapos pa niya. 

Samantala, pasado 2:00 ng hapon naman nitong Lunes, Agosto 17, nang matapos ang ika-16 na araw ng impeachment trial kung saan tumayo bilang testigo ng prosecution si dating Special Disbursing Officer (SDO) ng Office of the Vice President na si Gina Acosta. 

KAUGNAY NA BALITA: Matanda versus batang lawyer: Panelo kay Kapunan, 'Magpahinga na siya!'