August 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hirit ni Vice Ganda tungkol kay Robin: 'Magaling talaga ’to, nakakapagpasa ng batas sa Bilibid!'

Hirit ni Vice Ganda tungkol kay Robin: 'Magaling talaga ’to, nakakapagpasa ng batas sa Bilibid!'
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime (YT)/MB File Photo

Hindi nakaligtas si Sen. Robin Padilla sa hirit na biro ni Unkabogable Star Vice Ganda sa noontime show na "It’s Showtime," habang nagpapalitan sila ng biro ng co-hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Sa Saturday episode nitong Agosto 15, pinansin kasi ni Vice Ganda ang outfit ni Vhong at pabirong inihambing ito sa karakter ni Robin sa pelikulang "Maging Sino Ka Man" na pinagbidahan nila ni Megastar Sharon Cuneta noong 1991.

Ani Vice, “Hiniram mo pa yung costume ni Robin Padilla sa Maging Sino Ka Man with Sharon Cuneta!”

Dito naman nakisakay si Vhong at inimpersonate ang senador, "Aba siyempre tol, dapat ganun tayo!" at kumanta ng Maging Sino Ka Man, matapos hiritan naman ni Jhong.

Ngunit mas naging kapansin-pansin ang sumunod na banat ni Vice na tila tumukoy sa pagiging senador ni Binoe.

Tsika at Intriga

Rocco Nacino, napapangitan sa malaking pwetmalu niya; bet pabawasan!

“Ang galing," saad ni Vice. "Magaling talaga ’to, idol ko 'to eh, nakakapagpasa 'yan ng batas sa Bilibid.”

Natawa naman ang mga kasama niya sa programa sa naturang banat, pati na rin ang madlang people.

Matatandaang nag-ugat ito sa kinalkal na vlog ng misis ng senador na si Mariel Rodriguez-Padilla noong 2022 kung saan sinabi niyang may kredibilidad na tumakbong senador ang mister dahil nakatapos siya ng Criminology sa college, at kahit nakabilanggo, ay nagawang makapagsulong ng batas.

Binanatan naman ito ng mga netizen matapos kuwestyunin ng mga netizen ang naging pahayag ni Mariel.

Kamakailan lamang, nilinaw naman ni Mariel ang ibig niyang sabihin sa nabanggit na vlog.

"Common sense is most uncommon," banat ni Mariel.

"Siyempre, you have to be a legislator to actually make and pass a law. That vlog was made in 2022, when critics were questioning Robin’s qualifications. Ang sinasabi nila, 'Walang tinapos na pag-aaral. Marunong ba ’yan gumawa ng batas? Eh ’yan ang trabaho ng senador.;"

"So I corrected the point they were trying to make," aniya pa.

Ipinaliwanag din niya ang bahagi ng kanyang naunang pahayag tungkol sa paggawa ng batas.

Ayon kay Mariel, nang sabihin niyang gumagawa na ng batas si Robin habang nasa bilangguan pa, ang tinutukoy niya ay ang mga panahong nakikibahagi umano ang kaniyang mister sa paggawa o pagsusulong ng mga panukalang batas.

"When Robin was in Bilibid, his case became closely associated with the issue that RA 8294 addressed—illegal possession of firearms. RA 8294 was enacted in 1997 while he was incarcerated."

"Now, IF gamitin natin ang talino na binigay sa atin ng Maykapal… sino kaya ang nag-draft at nagpasa ng bill na naging RA 8294?"

"Obviously, legislators," aniya.

Gayunman, aminado si Mariel na literal umano itong kinuha ng ilan.

"That was exactly the point. Robin was NOT a senator then, and I never meant that he literally sat in Congress, authored the bill, and voted for its passage. His experience was being cited to show that even before becoming a senator, he had firsthand experience of how laws—and changes in laws—can directly affect a person’s life," aniya pa.

"Context matters. Comprehension matters too," buwelta pa niya.

Maki-Balita: 'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022

Ibinahagi naman ng mister na si Sen. Robin ang naging paliwanag ni Mariel.

Maki-Balita: Sen. Robin sa mga umookray sa vlog ni Mariel: ‘Daig n’yo pa ang mga p*ta!’

Nahalal si Robin Padilla bilang senador noong 2022 at nagsilbi bilang isa sa mga mambabatas ng bansa.

Si Mariel naman ay minsan nang naging co-host sa It's Showtime noong 2015, pero nagbabu rin sa show noong 2019.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Mariel o Robin tungkol sa naging biro ni Vice Ganda.