Bumwelta si Sen. Robin Padilla sa mga ginagamit ang vlog ng misis niyang si Mariel Rodriguez noong 2022 para ilihis sa ibang bagay ang mahahalagang isyu.
Matatandaang muling lumutang ang video clip ni Mariel mula sa kaniyang vlog noong 2022 kung saan inisa-isa niya ang kwalipikasyon ng kaniyang asawa bilang kandidato pa lang noon sa pagkasenador.
Sa isang Facebook post ni Sen. Robin noong Linggo, Agosto 9, sinabi niyang mahiya naman sana ang mga pumupintirya sa vlog ng misis niya at sa asawa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
“Mahiya naman kayo! Baka kayo mismo ay binabaha na ngayon, pero ang isyu ninyo ay tungkol pa rin sa vlog ni Mariel noong 2022 at sa misis ni Sen. Bato,” saad ni Robin.
Dagdag pa niya, “Nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa baha, daig ninyo pa ang mga puta kung magpagamit sa ambisyoso.”
Samantala, naglabas na ng video statement si Mariel noon ding Linggo para linawin ang mga binitawang pahayag tungkol kay Sen. Robin.
Ayon kay Mariel, nang sabihin niyang gumagawa na ng batas si Sen. Robin habang nasa bilangguan pa, ang ibig niya raw sabihin ay ang mga panahong nakikibahagi umano ang kaniyang mister sa paggawa o pagsusulong ng mga panukalang batas.
"When Robin was in Bilibid, his case became closely associated with the issue that RA 8294 addressed—illegal possession of firearms. RA 8294 was enacted in 1997 while he was incarcerated," paliwanag niya.
Dagdag pa ni Mariel, "Now, IF gamitin natin ang talino na binigay sa atin ng Maykapal… sino kaya ang nag-draft at nagpasa ng bill na naging RA 8294? Obviously, legislators.”
Gayunman, aminado si Mariel na literal umano itong binigyang-kahulugan ng ilan.
Maki-Balita: 'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022