August 13, 2026

Home BALITA National

Prosecution, nanindigang 'walang nakitang masama, sinabing 'di totoo’ si Atty. Ligutan

Prosecution, nanindigang 'walang nakitang masama, sinabing 'di totoo’ si Atty. Ligutan
Photo courtesy: MB, Senate PRIB

Dumepensa ang spokesperson ng Prosecution panel na si Atty. Benjamin Tolosa sa wala raw silang nakitang masama sa sinabi ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan sa kaniyang social media post habang umuusad ang Senate impeachment trial noong Miyerkules, Agosto 12, 2026. 

Sa naging pahayag ni Tolosa sa panayam sa kaniya ng isang radio station nitong Huwebes, Agosto 13, sinabi niyang hihintayin pa raw nila ang opisyal na magiging kautusan ni presiding officer Senator-Judge Chiz Escudero kaugnay sa desisyon ni Ligutan na huwag burahin ang kaniyang post. 

“We will see. But I’m sure kung meron man maging kautusan diyan ang presiding officer, we will abide it,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “But let’s also wait for his official response tungkol doon sa manifestation made against him. Binigyan naman po siya ng pagkakataon ng presiding officer na magsalita sa pagdinig sa Lunes.” 

Diin ni Tolosa, wala naman daw silang nakitang masama o malisya sa naging pahayag ni Ligutan dahil nasasaad naman daw talaga sa Rules na bawal ang misleading questions maging sa direct o cross-examination. 

National

Rep. Ridon, binanatan si Atty. Panelo: 'Dapat siya ang magpahinga!'

“Sa amin, wala naman kaming nakita masama doon. Dahil it was not with malice… Unang una, wala sigurong makakapagsabi na hindi akma sa rules ‘yong kaniyang na-post,” aniya. 

Paliwanag pa niya, “Dahil talagang that’s a basic rule on evidence na misleading question never allowed sa direct or cross-examination.” 

Pagpapatuloy ni Tolosa, wala raw sinabing hindi totoo si Ligutan at ninais lang daw nitong pangaralan ang publiko. 

“So wala naman siyang sinabi diyan na hindi totoo… It was not made in bad faith, just to educate the public,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Ligutan, tumiradang walang binanggit na pangalan sa kaniyang post!

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Sison, binanatan pagpo-post ni Atty. Ligutan sa gitna ng impeachment trial!