August 13, 2026

Home SHOWBIZ

Bea Alonzo, mas nagpupundar na para sarili at buhay-pagpapamilya!

Bea Alonzo, mas nagpupundar na para sarili at buhay-pagpapamilya!
Photo courtesy: Bea Alonzo (IG)

Ibinahagi sa publiko ng Kapuso star na si Bea Alonzo na mas nagpupundar na umano siya ngayon para sa kaniyang sarili sa hinaharap kasama ang kaniyang mga anak. 

Sa naging pahayag ni Bea sa pinangunahan niyang event sa Taguig City nitong Huwebes, Agosto 13, 2026, sinabi niyang bet niya rin daw magkaroon ng lakas na magta-takbo kasama ng kaniyang mga anak sa hinaharap. 

“Of course, I’d love to be able to have the energy to run around with my kids and not just watch from the sidelines,” pagsisimula niya. 

Ani Bea, may nag-i-invest na umano siya ngayon para sa kaniyang sarili kumpara sa pagsabay niya lang daw noon sa mga latest beauty at fitness trend, at pagpili lang ng mga mabilisang solusyon sa mga bagay-bagay. 

“So kung before I would resort to quick fixes, the latest beauty trend or fitness trend, right now I invest more in my future self,” aniya. 

Tsika at Intriga

'Importante, i-save ang friendship!' Ogie, kinumpirmang hindi na siya manager ni Aiko

Paglilinaw naman niya, “That’s not to say ayaw kong maging maganda. Dapat talaga maganda. Of course I still want to look good.” 

Pagpapatuloy ni Bea, ang ultimate priority raw niya ngayon ay magkaroon ng lakas para masulit ang bawat yugto ng kaniyang buhay. 

“Ultimately, my priority now is to have the energy to enjoy every chapter of my life,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang binigla nina Bea at mister na niya ngayong si Vincent Co ang kanilang mga kaibigan, kakilala, at maging mga netizen matapos pumutok ang balitang ikinasal na sila sa pamamagitan ng civil wedding, sa Makati City Hall noong Hulyo 13.

Mismong si Makati City Mayor Nancy Binay pa ang nag-officiate ng kasal nilang dalawa.

KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo sa kasal, sa piling ng mister na si Vincent Co: 'At my happiest!'

KAUGNAY NA BALITA: Dominic, Sue susunod sa kasalang Bea-Vincent?