How true ang kumakalat na tsika na sina celebrity couple Dominic Roque at Sue Ramirez ang susunod nang ikasal matapos mag-isang-dibdib sina Bea Alonzo at Vincent Co?
Maki-Balita: Bea Alonzo at Vincent Co, palihim na nagpakasal noong Hulyo 13?
Bago makasal kay Vincent, si Bea ay ex-fiancé ni Dominic. Ngunit noong Pebrero 2024 ay naghiwalay ang dalawa.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!
Ngunit ngayong kasal na sina Bea at Vincent, napag-usapan naman sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Miyerkules, Hulyo 15, ang tungkol sa larawan nina Dominic at Sue kasama ang wedding at events supplier sa isang table.
Dahil dito, nahiwagaan tuloy ang mga tao sa magiging ganap ng celebrity couple.
“Tinanong kasi ng mga tao, since nando’n na ‘yong mga wedding, events, planner, and supplier, ano ‘to? Ikakasal na ba sina Dominic at Sue?” saad ni Ogie.
Pero ayon kay Mama Loi, ang naturang pagtitipon ay para daw sa birthday celebration nina Dominic at Sue.
Aniya, “Mayro’n ngang event na magaganap. Pero hindi wedding. E, kasi nga magse-celebrate ng birthday itong si Dominic Roque saka Sue Ramirez nang sabay kasi sabay ‘yong birthday nila.”
Parehong Hulyo 20 ang kaarawan nina Sue at Dominic. Matatandaang noong 2025, ipinangalandakan ng dalawa sa social media ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Bukod sa nagbatian sila, ni-repost din ni Dominic ang IG story ni Clara Chua kung saan makikita ang larawan nilang dalawa ni Sue na magkahalikan.
Ilang buwan ito matapos nilang kumpirmahin sa publiko ang real-score sa pagitan nilang dalawa.
Maki-Balita: Dominic at Sue nagbatian na, nagtukaan pa!