July 25, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo sa kasal, sa piling ng mister na si Vincent Co: 'At my happiest!'

Bea Alonzo sa kasal, sa piling ng mister na si Vincent Co: 'At my happiest!'
Photo courtesy: Bea Alonzo (IG)

Muling nagbahagi ng simpleng update si Kapuso star Bea Alonzo hinggil sa kasalukuyang estado ng kaniyang nararamdaman matapos ang naging kasal nila ng mister na si Vincent Co.

Nitong Lunes, Hulyo 20, nag-post si Bea ng tatlong photos niya na may caption na "New season" na may kalakip na white heart emoji.

Makikita sa larawan ang wedding ring niya.

Sa Instagram story naman niya, ibinida ni Bea ang larawan ng dalawang magkadaop-palad kung saan makikita naman ang kaniyang wedding ring.

"At my happiest," mababasa sa text caption.

Relasyon at Hiwalayan

Alyssa Valdez, hinard launch ang jowa

Photo courtesy: Screenshot from Bea Alonzo (IG)

Matatandaang binigla nina Bea at Vincent ang kanilang mga kaibigan, kakilala, at maging mga netizen matapos pumutok ang balitang ikinasal na sila sa pamamagitan ng civil wedding, sa Makati City Hall noong Hulyo 13.

Mismong si Makati City Mayor Nancy Binay pa ang nag-officiate ng kasal nilang dalawa.

Noong Hulyo 15, nagbahagi naman si Bea ng mga black and white photos nila ng mister mula sa naganap na kasalan.

May simple itong caption na "Home."