Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagbabasura nila ng kasong inciting to sedition laban kay Vice President Sara Duterte noong Martes, Agosto 11, 2026.
Matatandaang nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) noong Pebrero 12, 2025, ng mga reklamong inciting to sedition at grave threats laban kay VP Sara kaugnay umano sa pagbabanta ng huli sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez noong Nobyembre 23, 2025 at mga sumunod pa.
KAUGNAY NA BALITA: Bukod sa impeachment charges, kasong sedisyon vs VP Sara, pending pa rin—DOJ
Sa naging pahayag ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez sa panayam sa kaniya ng media noon ding Martes, ipinaliwanag niyang wala raw nakitang sapat na prima facie evidence at katanggap-tanggap na dahilang panel of prosecution kaugnay sa kasong inciting to sedition laban sa bise presidente.
“The inciting to sedition case is terrifying. It was dismissed for the sole reason that the panel of prosecutors did not find prima facie evidence and reasonable certainty of conviction,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Mataas po kasi na quantum proof ‘yan.”
Pagpapatuloy ni Martinez, hindi raw nagkaroon ng sapat na ebidensya ang kanilang mga prosekyutor upang isampa sa Korte ang kasong inciting to sedition laban kay VP Sara.
“So for that particular crime, under the law, may elements sa crime. Nakita po nila na there’s not enough evidence for us to file this in Court,” pagtatapos pa niya.
Samantala noon ding Martes, nagsampa naman ang DOJ ng kasong grave threats sa Quezon City Regional Trial Court laban kay VP Sara.
Ayon kay Martinez, may nakita daw na prima facie evidence at reasonable certainty of conviction ang mga prosekyutor para sampahan ng kasong grave threats ang bise presidente.
Aabot sa halagang ₱120,000 ang recommended bail para sa kasong kinakaharap ni VP Sara.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon si VP Sara kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Kasong grave threats, isinampa ng DOJ laban kay VP Sara!