August 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Papunta na tayo sa exciting part!' Apple David, may sinampolan ng kaso?

'Papunta na tayo sa exciting part!' Apple David, may sinampolan ng kaso?
Photo courtesy: via Apple David (FB)

Usap-usapan ang cryptic social media post ng kontrobersiyal na sports courtside reporter na si Apple David, matapos niyang sabihing tila may inihahanda siyang pasabog sa mga netizen na nag-iwan ng matitinding batikos at komento laban sa kaniya.

Sa post ni Apple nitong Lunes, Agosto 10, sinabi ni Apple na "papunta na sa exciting part" at mukhang tinuloy na niya ang pagsasampa ng kaso laban sa indibidwal o mga indibidwal na naging below the belt sa pamba-bash sa kaniya.

"papunta na tayo sa exciting part," aniya.

"i already said it before that everyone on social media, personal or dump account are covered by the law and can be traced.

too late to delete comments now. i’ll see some of you guys soon," aniya pa.

Tsika at Intriga

'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022

Photo courtesy: Screenshot from Apple David/FB

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Apple, subalit espekulasyon ng mga netizen, nakahanda na siyang mangkaso sa isa sa mga basher niya online.

Matatandaang binanatan ng husto ng kritisismo si Apple matapos ang pakikipagrelasyon sa 18-anyos na basketball player na si Chad Gammad.

Itinanggi naman ni Apple ang mga paratang laban sa kaniya na "grooming" ang ginawa niya sa kay Chad.

Maki-Balita: Apple David, nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon nila ng basketbolistang bagets

Samantala, binanatan naman ni Chad ang bashers at sinabing walang ginagawang masama laban sa kanila si Apple.

Maki-Balita: Chad Gammad, bumwelta sa mga umookray sa relasyon nila ni Apple