August 10, 2026

Home BALITA National

Ombudsman sa ₱60B flood control sa Cebu: 'Is it the execution or is it just corruption?'

Ombudsman sa ₱60B flood control sa Cebu: 'Is it the execution or is it just corruption?'
File Photo

Pinuntirya ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang nailaang ₱60 bilyon para sa flood control projects sa probinsya ng Cebu sa kabila ng pagkakaroon umano ng kaso ng pagbaha rito. 

Sa naging pahayag ni Remulla sa pagbisita niya sa sa Office of the Ombudsman sa Visayas nitong Lunes, Agosto 10, 2026, sinabi niyang sa isa mahalagang dahilan ng pagpunta nila sa naturang lugar ang tungkol sa ₱60 bilyong pondo ng Cebu para sa flood control projects sa nagdaang anim na taon. 

“Isa sa ‘yan asa mga mahahalagang agenda namin [na] na ipinunta dito sa Cebu,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “We look at the projects of flood control here in Cebu. From our understanding, for the past six years, ₱60 billion has been falling to Cebu. Most of it or about 25% went to 7th District. 25% percent of it also went to a leading contractor.” 

Ani Remulla, malaking pondo na raw sana ang ₱60 bilyon para malunasan ang problema sa baha sa Cebu ngunit nagkaroon pa rin ng kaso nito sa mga nagdaang buwan. 

National

DOH, nakabantay sa kalusugan ng mga apektado ng sama ng panahon

“That should be a lot of money to control the flooding. But apparently, in the past month, flooding happened around here in Cebu” aniya. 

Pagpapatuloy ni Remulla, kinakailangan daw na masilip nila ang naturang isyu at tingnan kung dulot umano ng korapsyon. 

“We have to look at what is happening. Is it the design? Is the execution? Or is it just corruption? Titingnan natin and we will find out, and we will know,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Malinaw na malinaw 'yong kaso!' Ombudsman, magkakasa ng imbestigasyon vs Rep. Leviste, Sen. Loren

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman kina Leviste, Legarda: 'Baka gusto nilang umuwi nang nakaposas'