August 09, 2026

Home BALITA National

‘Transport strike’ sa Agosto 10, kanselado!

‘Transport strike’ sa Agosto 10, kanselado!
Photo courtesy: MB

Pansamantalang ipinagpaliban ng transport group na MANIBELA ang kanilang nakatakdang “transport strike” sa darating na Lunes, Agosto 10.

Batay sa inilabas na abiso ng MANIBELA sa kanilang Facebook page nitong Linggo, Agosto 9, ang kanselasyon ay kasunod ng matitinding pagbaha sa maraming lugar sa bansa dulot ng Habagat. 

Anila pa, nais nilang bigyang prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng bawat drayber at kanilang mga pamilya.

Hinihiling din ng MANIBELA na maging maingat at alerto upang matulungan din ang iba pang naapektuhan ng baha at pinsalang dala ng Habagat. 

Sa kasalukuyan, wala pang inanunsyong petsa sa susunod na transport strike. 

National

Higit 2k 'damaged' classrooms, naitala bunsod ni 'Maymay,' habagat

Sa kaugnay na ulat, ang transport strike ay kasunod ng panawagang ₱5 hanggang ₱10 increase ng mga drayber mula sa kasalukuyang ₱13 minimum na pamasahe.

Bunsod ito ng muling pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa nagpapatuloy na pag-init ng tensyon sa Middle East. 

MAKI-BALITA: 'Pag 'di natupad ang taas-pasahe: Serye ng transport strike, ikakasa ng MANIBELA!

KAUGNAY NA BALITA: Deliberasyon ukol sa fare hike petitions, sinimulan na! —LTFRB