August 03, 2026

Home BALITA Metro

'Pag 'di natupad ang taas-pasahe: Serye ng transport strike, ikakasa ng MANIBELA!

'Pag 'di natupad ang taas-pasahe: Serye ng transport strike, ikakasa ng MANIBELA!
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Nagbanta na ang transport group na MANIBELA ng serye ng tigil-pasada sa mga susunod na linggo, kung hindi raw mapagbibigyan ang fare hike na kanilang hinihingi.

Sa kanilang kilos-protesta nitong Lunes ng umaga, Agosto 3, 2026, inanunsyo ng nasabing grupo na nakatakda nilang simulan ang transport strike sa Lunes, Agosto 10.

“Ngayon pa lamang nagdedeklara na kami ng transport strike sa susunod na linggo mula sa Lunes. Kung hindi ipatutupad ngayon ang taas-pasahe,” ani MANIBELA Chairmen Mar Valbuena sa harap ng media. 

Ngayong Lunes din, inaasahang magsasagawa ng deliberasyon ang Department of Transportation (DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasama ang iba pang public transport group hinggil sa hinihingi nilang omento sa pamasahe.

KAUGNAY NA BALITA: Deliberasyon ukol sa fare hike petitions, sinimulan na! —LTFRB

Metro

Criminal complaint, ikinakasa na labab sa 14-anyos na nanaksak ng kaklase!

Ayon sa mga ulat, naglalaro mula sa ₱5 hanggang ₱10 ang ipinanawagang increase ng mga tsuper mula sa kasalukuyang ₱13 minimum na pamasahe.

Ang naturang panawagan ay bunsod pa rin ng muling pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa muling pagsiklab ng tensyon sa Middle East na pinalalala ng sigalot sa pagitan ng United States at Iran.