August 08, 2026

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, forever Kapamilya kahit wala raw kontrata!

Vice Ganda, forever Kapamilya kahit wala raw kontrata!
Photo courtesy: Vice Ganda (FB)

Tiniyak ni Unkabogable Star na si Vice Ganda na habambuhay raw siyang mananatili bilang Kapamilya sa ilalim media network na pinagtatrabahuhan niya ngayon kahit wala nga raw pirmahang kontrata. 

Sa naging pagpirma ni Vice Ganda ng bagong kontrata noong Biyernes, Agosto 7, 2026, idiniin niyang hindi rin daw kasi maaalis ang pangangailangan ng pagkakaroon ng propesyonalismo. 

Giit niya, masaya raw siya sa panibagong kontrata niya sa ABS-CBN Corporation na tumanggap sa kaniya at mananatili raw siyang tapat rito kahit wala pa raw mga contract signing na kailangang gawin. 

“Pumirma na ulit ako ng kontrata sa ABS-CBN sa aking pagpapatuloy ng pagiging Kapamilya. And I’m very-very happy. Actually, kahit wala namang contract, habambuhay naman akong Kapamilya,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Pero syempre, we always professionalize the partnership.”

Romnick Sarmenta, tinutulan ang Pax Silica

Higit din umanong pinasasalamatan ni Vice ang kaniyang mga boss na sina Executive Cory Vidanes, Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, at Chief Financial Officer (CFO) Ricardo “Rick” Tan, Jr.

Ani Vice, magpapatuloy raw ang pagbuo niya ng mga proyekto para sa Kapamilya dahil masaya raw siyang pinipili pa rin siya ng kanilang media network upang maging isa sa mga nagdadala ng pangalan nito. 

“Patuloy pa rin akong gagawa ng mga proyekto sa Kapamilya,” aniya. 

Saad pa niya, “Masaya ako na isa pa rin ako sa pinipili nila na magdala ng pangalan nila at gumawa ng mga contents nila na maipapalabas sa iba’t ibang platform.” 

Pagpapatuloy ni Vice, hindi raw maaaring hindi niya marerepresenta ang media network na kaniyang pinagtatrabahuhan sa lahat ng mga proyekto na kaniyang gagawin. 

“Lahat naman ng projects ko, tuloy-tuloy. Kung saang platform ako makita, hindi puwedeng hindi kasama ang ABS-CBN doon sa mga projects ko,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, bakasyon muna sa gitna ng insensitive joke issue?

KAUGNAY NA BALITA: MTRCB, ipinapatawag ‘It’s Showtime’ producers dahil sa mga eksena ni Vice Ganda