Inanunsyo ng Quezon City Police District (QCP) ang pagbubuo nila ng “Special Investigation Team (SIT) para masusing imbestigahan ang pagkalat ng mga kabaong sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City.
Batay sa pahayag ng QCPD nitong Biyernes, Agosto 7, ang SIT ay binuo upang kilalanin ang mga responsable sa naturang insidente, alamin ang kanilang motibo, at magsagawa ng tracing ng mga sasakyang ginamit ng mga matutukoy na suspek.
Tiniyak din ng QCPD na kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga establisyemento upang malaman ang pinagkuhanan ng mga kabaong.
“The QCPD has formed a Special Investigation Team (SIT) to identify those responsible, determine the motive, and trace the vehicle used in the incidents. Coordination with relevant establishments is also underway to determine the source of the recovered caskets,” pahayag ng ahensya.
Samantala, nananawagan ang QCPD sa publikong agad makipag-ugnayan sa police station, E911, o QC Helpline 122 sakaling may mapag-alaman silang impormasyon kaugnay ng insidente.
“The QCPD assures the public that a thorough and impartial investigation is ongoing, and appropriate charges will be filed against those found responsible. We likewise urge everyone to remain calm and refrain from spreading unverified information. Anyone with relevant information is encouraged to report it to the nearest police station, E911, or the QC Helpline 122,” panawagan ng QCPD.
Sa kaugnay na ulat, ang mga kabaong ay pinakalat nitong umaga ng Agosto 7 sa Boy Scout Circle, Brgy. South Triangle, Welcome Rotunda, at Brgy. Sta. Teresita, sa Quezon City.
Sa karagdagang ulat ng National Capital Region Police (NCRPO), may natagpuan ding mga kabaong sa Sta. Cruz, Manila; Brgy. 54, Caloocan City; at Gil Puyat, Makati City.
MAKI-BALITA: Misteryosong mga kabaong, namataan sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila!
KAUGNAY NA BALITA: DFA, iimbestigahan mga misteryosong kabaong sa Metro Manila