August 07, 2026

Home BALITA Metro

DFA, iimbestigahan mga misteryosong kabaong sa Metro Manila

DFA, iimbestigahan mga misteryosong kabaong sa Metro Manila
Photo courtesy: DFA (FB), Manila Police District

Mariing inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nila palalagpasin ang anumang uri ng pananakot o pambabanta laban sa sinuman kasunod ng pagkalat ng mga kabaong sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng National Capital Region Police (NCRPO) nitong Biyernes, Agosto 7 umabot na sa limang kabaong ang natagpuan nila sa  Sta. Cruz, Manila; Brgy. 54, Caloocan City; Brgy. South Triangle, Quezon City; Brgy. Sta. Teresita, Quezon City; at Gil Puyat, Makati City.

MAKI-BALITA: Misteryosong mga kabaong, namataan sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila!

Saad ng DFA sa pahayag nila nito ring Agosto 7, bagama’t binibigyang pagpapahalaga sa bansa ang karapatan sa malayang pagpapahayag, kinokondena nila ang pagpapakalat ng anumang klase ng pananakot at karahasan. 

Anila pa, ang mga namataang pagkalat ng mga misteryosong kabaong ay hindi sumasalamin sa tugon ng pamahalaan sa mga tensyon sa ibang bansa o pagpapahayag ng saloobin ng mga Pilipino sa kritisismo o pagkadismaya sa mga isyung politikal.

Metro

Misteryosong mga kabaong, namataan sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila!

“While the Philippines upholds the right to freedom of expression, the DFA emphasizes that this right does not extend to threats of violence or acts that endanger the safety and security of others. Such actions do not reflect the Philippine government’s approach to conducting its foreign relations, nor do they represent how Filipinos express criticism or dissatisfaction, even on sensitive political matters,” saad ng DFA.

Tinitiyak ng ahensya na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad upang masusing imbestigahan ang mga pangyayari sa likod ng insidente at mapanagot ang mga mapapatunayang may kinalaman dito. 

“The DFA is closely coordinating with law enforcement authorities, who are taking the necessary steps to establish the circumstances surrounding the incident and determine accountability for this reckless act,” pagtitiyak ng DFA.