August 07, 2026

Home BALITA National

'New post-pandemic low!' Economic growth ng Pilipinas, bumagal sa Q2 ng 2026—PSA

'New post-pandemic low!' Economic growth ng Pilipinas, bumagal sa Q2 ng 2026—PSA
Photo courtesy: MB


Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Agosto 7, na naitala ng Pilipinas ang “'new post-pandemic low” na 2.3% Gross Domestic Product (GDP) para sa second quarter ng 2026.

Ang talang ito ay tanda ng muling pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng bansa para sa nasabing quarter—mas mababa kung ikukumpara sa 2.8% GDP nitong unang quarter ng kasalukuyang taon.

MAKI-BALITA: Five-year low! Paglago ng ekonomiya, bumagal kumpara sa huling 3 buwan ng 2025-Balita

Ayon sa PSA, ilan lamang sa mga nakaimpluwensya sa nasabing tala ay ang Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; at maging ang edukasyon at manufacturing.

“The main contributors to the second quarter 2026 year-on-year growth were Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 4.6 percent; Education, 12.7 percent; and Manufacturing, 2.6 percent,” anang PSA.

Photo courtesy: Philippine Statistics Authority (PSA)

Sa kaugnay na ulat, inamin ng Palasyo na nag-slow down ang paglago ng ekonomiya ng bansa, dahil umano sa korapsyon at sa naganap na sigalot sa pagitan ng mga bansa sa Middle East.

MAKI-BALITA: Palasyo, inaming bumaba economic growth ng PH dahil sa korapsyon, Middle East tension-Balita