August 06, 2026

Home BALITA National

Defense, nirerespeto pagbasura ng SC sa mga petisyon kontra impeachment!

Defense, nirerespeto pagbasura ng SC sa mga petisyon kontra impeachment!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Tinatanggap umano ng defense panel ang naging desisyon ng Korte Suprema noong Miyerkules, Agosto 5, 2026, na ibasura ang mga petisyong kumukuwestyon sa mga naging pagdinig na kaugnay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ng Committee on Justice sa House of the Representatives noon. 

Tungkol ito sa inihaing petisyon noon nina Atty. Israelito Torreon at iba pa, at ni Vice President Sara Duterte laban sa Kamara. 

Anang Korte Suprema, naging “moot” o hindi na raw na kinakailangang resolusyon ang mga naturang petisyon dahil naaprubahan at naipasa na raw sa Senado ang Articles of Impeachment.

KAUGNAY NA BALITA: SC, ibinasura petisyon nina Atty. Torreon, VP Sara vs Kamara!

Sa naging pahayag naman ng Deputy Spokesperson ng Defense panel na si Atty. Justin Nicol Gular sa isang TV new station nitong Huwebes, Agosto 6, sinabi niyang inasahan na rin naman daw nila ang posibilidad na desisyong ito ng Kataas-taasang Hukuman. 

National

Palasyo sa senator-judges ng impeachment trial: ‘Dapat maging impartial, manatiling walang bias’

“We have always foreseen this possibility naman po. Once a lawyer files a petition, posible naman talagang i-deny ang petisyon ng Korte Suprema natin,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “As to our camp, we respect ‘yong ruling ng Korte Suprema. Of course, without prejudice to further remedies.” 

Diin naman ni Gular, hindi naman daw makakaapekto sa merito ng kanilang petisyon ang naging pagbabasura dito ng Korte Suprema dahil nga raw itinuring na lang na “moot and academic” ang sanhi ng naturang ruling. 

“Kung maha-highlight lang po kami, dapat po nating maunawaan na ‘yong pag-dismissed po ay hindi naman po sa merit ng petisyon,” aniya. 

“‘Yong dismissal po… dinismissed po ng Korte Suprema dahil moot and academic na po ‘yong kaso,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Prosecution sa ibinasurang petisyon nina Torreon, VP Sara: 'Wala nang magiging sagabal!'