August 05, 2026

Home BALITA National

Ex-Cong. Jing Paras, pasimuno sa character assassination vs ES Recto—SILG Remulla

Ex-Cong. Jing Paras, pasimuno sa character assassination vs ES Recto—SILG Remulla
File Photo

Nakikita umano nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na si dating Negros Oriental Rep. Jing Paras ang tangi umanong pasimuno sa character assassination plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto. 

Matatandaang nadawit ang pangalan nina Paras at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste bilang nasa likod umano ng naturang character assassination o sex scandal plot kay Recto, na nag-ugat noong matiklo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation ang talent manager na si Lito de Guzman at lima pang mga babae. 

Pinuga umano ni De Guzman sa NBI na nakipag-ugnayan sa kaniya si Paras upang kumuha ng mga babae at gumawa ng fabricate statement kung saan pinuwersa umano silang makipagtalik at gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Leviste, ex-Cong. Paras lagot sa NBI ugnay umano sa 'sex scandal plot' vs ES Recto!

Sa naging pahayag naman ni Remulla sa panayam sa kaniya ng media nitong Miyerkules, Agosto 5, 2026, sinabi niyang napag-alaman niyang target din daw umano siya, at sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Jonvic Remulla at kaniyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa naturang character assassination plot. 

National

Higit 5M food packs, nakahanda para sa posibleng epekto ni 'Maymay'—DSWD

“Eventually, it leaked that… target din kami ni Vince Dizon, ni OMB Boying, and others,” pagsisimula niya. 

Giit ni Remulla, medyo iniisip daw niya na lusot pa sa sasampahan ng kaso si Leviste dahil lumalabas daw na tila si Paras ang pasimuno, may kaugnayan sa bugaw, at nagbanggit lang sa naunang mambabatas. 

“I would like to think that si [Rep. Leviste] is a better person. But to get at the bottom of it, kailangang makita natin talaga kung ano ang nilalaman ng statement ni former Congressman Jing Paras,” aniya. 

Dagdag pa niya, “It seems like siya ang pasimuno nito, siya ang konekta sa bugaw, ang bugaw ang nagsabi kung paano, at ang nagbanggit lang ng pangalan ni Cong. Leviste ay si Jing Paras.” 

Pagpapatuloy ni Remulla, kinokonsidera daw nilang sampahan ng kasong human trafficking si Paras kaugnay sa isyu nga character assassination plot na ito laban kay Recto o maging sa kanila. 

“So, Jing Paras is the person of interest and iimbestigahan namin. We are considering filing charges of human trafficking against him para sa okasyon na ito,” pagtatapos pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Subpoena kina Rep. Leviste, Ex-Cong. Paras, naipadala na—Matibag