Napagdiskitahan ng netizens ang larawan nina courtside reporter Apple David at Letran Knights player Chad Gammad matapos nilang manood ng “Spider-Man: Brand New Day.”
Ang “Spider-Man: Brand New Day” ang ikaapat na pelikula ni Tom Holland sa Marvel Cinematic Universe (MCU) kasunod ng “Spider-Man: No Way Home” noong 2021.
Kaugnay na Balita: Sinehan, binalot ng utot sa screening ng Spider-Man; mga manonood, pinalikas!
Sa isang Facebook post ni Apple kamakailan, makikita ang larawan ni Chad sa loob ng sinehan habang naka-Spider-Man hand sign.
Walang anomang nakalagay na text sa caption maliban sa gagambang emoji.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing picture. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Peter Parker and Aunt May ang atake!"
"Isinama ang pamangkin sa sinehan hahahaha"
"Mala Peter at aunt May galawan lang ah"
"Nood spiderman tapos sya naman sasaputan pagkatapos ehehe"
"nilibre ni tita si pamangkin ng ticket sa movie ng favorite superhero niya. yehey hahahaha"
"Sinasadya mo pa talaga man trigger para sa engagement madam hahaha"
"10 years old yan nung infinity war"
Matatandaang nagsimulang maging kontrobersiyal si Apple nang ibahagi niya sa social media ang larawan nila ni Chad nang hindi hagip ang mukha nito.
Inulan pa siyang lalo ng batikos nang palabasin niyang tila wala naman umanong masama sa relasyon nila.
Matapos ito, humingi ng dispensa si Apple sa mga nasaktan sa namumuong ugnayan sa pagitan nila ni Chad.
Maki-Balita: Apple David, nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon nila ng basketbolistang bagets