Ginambala ng mabahong amoy ang loob ng isang sinehan matapos umutot ang isang manonood sa screening ng “Spider-Man: Brand New Day” noong Agosto 2.
Ang “Spider-Man: Brand New Day” ang ikaapat na pelikula ni Tom Holland sa Marvel Cinematic Universe (MCU) matapos i-release ang “Spider-Man: No Way Home” noong 2021.
Ayon sa ulat ng New York Post noong Agosto 3, nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng pagrolyo ng pelikula sa Cine Colombia multiplex sa loob ng Plaza Bocagrande shopping center.
Dahil dito, nagsialisan ang mga manonood sa kani-kanilang upuan. Daan-daan umano ang inilikas papunta sa pasilyo.
Batay sa mga kuhang video, magkahalong gulat at dismaya ang naramdaman ng mga audience members dahil sa nangyari.
Hindi naman tuluyang kinansela ang palabas, ngunit marami sa mga nanoood ang nagdesisyong umalis na lang bago pa man ito matapos.
Sa kasalukuyan, hindi pa tukoy kung sino ang umutot sa mga audience members. Ngunit ipinagpapalagay na may nagpasabog lang umano ng stink bomb para mantrip.