August 03, 2026

Home BALITA National

Gov't contractor, isa umano sa mga humirit ng TRO para maunsyami ang ₱85 wage hike

Gov't contractor, isa umano sa mga humirit ng TRO para maunsyami ang ₱85 wage hike
Photo courtesy: MB file photo

Ibinunyag ng Nagkaisa Labor Coalition (NLC) na isang kontratista umano ng gobyerno ang isa sa mga petitioner na naghain ng temporary restraining order (TRO) sa Pasig Regional Trial Court upang ipaantala ang implementasyon ng ₱85 na umento sa sahod ng mga ordinaryong manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sa panayam ng media sa NLC nitong Lunes, Agosto 3, 2026, iginiit ng koalisyong ipinagtataka raw nila kung anong ikinatatakot ng Readycon sa implementasyon ng wage hike, gayong may malinaw na sinasabi ang batas tungkol dito.

“Mas malala mga kasama na isa dito, particularly yung humaharap sa korte ngayon, yung Readycon, 'yan ay isang government contractor. At ayon sa batas, 'pag ka ikaw ay nasa construction industry, yung anomang dagdag-pasahod ay puwede mong i-pass on sa iyong kliyente,” saad ng NLC.

Hirit pa nila, “Sinong kliyente n'ya? [kontratista], Ang gobyerno, [kaya] anong kinatatakot n'ya?”

Matatandaang naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Pasig Regional Trial Court noong Huwebes, Hulyo 30, 2026, upang pansamantalang masuspinde hanggang Agosto 13, 2026, ang ₱85 minimum wage hike sa Metro Manila, sanhi ng petisyong isinumite ng ilang mga construction companies.  

National

'Luis', posibleng mag-landfall sa Cagayan o Isabela; wind signal no. 1, nakataas

MAKI-BALITA: Rep. Renee Co sa naunsyaming ₱85 wage hike: 'Barya-barya na nga, iaatras pa!'

Samantala, noong Linggo, Agosto 2, siniguro ni Labor Secretary Francis Tolentino na malulutas umano ang balakid sa pagpapatupad ng dagdag-pasahod at binigyang-diin na hindi raw pababayaan ng gobyerno ang mga manggagawa.

"To [the public], let us remain calm. The law, especially the Constitution, must prevail. Your government will not abandon you, especially when it comes to the welfare of our workers," ani Tolentino sa isang panayam.

KAUGNAY NA BALITA: 'Your government will not abandon you!' ₱85 na wage hike, tiniyak ni Sec. Tolentino!